Tiboli

Tíbolí

          Ang Tíbolí ay ang wika ng grupong Tíbolí na naninirahan sa mga bayan ng T’boli, Surallah, Polomolok, Tupi, Tantangan, Norala, Banga, at sa Lawa ng Sebu sa lalawigan ng Timog Cotabato; sa bayan ng Bagumbayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat; at sa baybáyin ng mga bayan ng Maitum, Kiamba, at Maasim sa lalawigan ng Sarangani.

          Bukod sa pangalang Tíbolí, kilalá rin ang grupo sa mga tagalabas sa tawag na Tíbolí Taomohin at Tagabili. Tabali naman kung tawagin silá ng katabíng pangkating etniko na mga Bláan.

          May limang porsiyento na lámang ng populasyon ng mga Tíbolí ang nananatiling monolinggguwal, at ito ay iyong mga naninirahan sa mga liblib na lugar sa kabundukan sa gilid ng Lawa ng Sebu. Bukod sa Hiligaynón na lingua franca sa kanilang lugar, hindi maiwasang matutuhan ng mga Tíbolí ang wika ng mga nakapalibot na grupong etnolingguwistiko tulad ng mga Tasaday, Manobo Alit, Mënuvú Úbo, Bláan, Ilónggo, at Bisayà. Natututuhan na rin ng kabataan ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo, kasabay ng wikang Tíbolí, sa mga paaralan.

Pangalan ng Wika Tiboli
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) T’boli
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tiboli
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Bilic, Tboli-Blaan
Mga Kilalang Wikain (dialects) Central Tiboli, Western Tiboli, Southern Tiboli  
Populasyon 142,914   (NSO 2010 R-XII)
Lokasyon mga bayan ng T’boli, Surallah, Polomolok, Tupi, Lake Sebu, Tantangan, Norala, at Banga, lalawigan ng Timog Cotabato; Bagumbayan, Sultan Kudarat; baybaying bayan ng Maitum, Kiamba, at Maasim sa lalawigan ng Sarangani
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses