Waráy

 

Waráy

          Isa ang Waráy sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Sinasalita ito ng mga Waráy sa Silangan, Hilaga, at Kanlurang Samar, gayundin sa bayan ng Biliran sa katimugang Leyte at sa silangang bahagi ng Leyte. Sa mga lugar na ito matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng mga Waráy bagaman marami sa kanila ang dumayo at naninirahan na sa iba’t ibang panig ng bansa.

          Mayroong dalawang grupo ng mga Waráy: ang mga Samarényo mula sa Samar at ang mga Leytényo mula sa Leyte. Bisayà ang pangkalahatang tawag sa kanila at sa iba pang grupo sa Kabisayaan tulad ng mga Sebwáno at Ilónggo, bagaman kilalá rin silá sa tawag na Waráy-Waráy at Samár-Léyte.

          Waráy ang unang wikang natutuhan ng mga batàng Waráy hanggang sa tumuntong silá sa paaralan at matuto ng mga wikang Filipíno at Inglés.

Pangalan ng Wika Waray
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Winaray, Waray-Waray, Samar-Leyte
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Waray
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Central, Warayan
Mga Kilalang Wikain (dialects)

Hilagang Samar, Catbalogan, Tacloban, Abuyog Leyte, Culaba, Biliran, Silangang Samar

Populasyon 3,660,645  (NSO 2010 Pilipinas)
Lokasyon Silangang Samar, Hilagang Samar, at Kanlurang Samar, Biliran, at Silangang Leyte  
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses