Madalas Itanong (FAQs)
Sino ang maaaring magkaroon ng akses sa repositoryo?
Ang Repositoryo ng mga Wika ng Pilipinas ay maaaring maakses ng publiko—mga mag-aaral, guro, mananaliksik, kawani ng pamahalaan, o kasapi ng etnolingguwistikong pangkat—nang libre kahit hindi magrehistro o lumikha ng akawnt.
Gayunman, kailangang magrehistro o lumikha ng akawnt upang maakses ang kabuoan ng repositoryo.
Bakit hindi nada-download ang mga saliksik?
Ang mga saliksik hinggil sa mga katutubo at kanilang wika ay hindi maaaring i-download at/o i-copy paste. Ito ay paraan upang ingatan ang kaalaman ng mga katutubo mula sa komersiyal na paggamit dito.
Samantála, ang sipi ng mga ortograpiya at programa ng KWF ay maaaring i-download; hinihikayat din na ito ay gamítin para sa mga proyektong pangwika.
Gaano katagal bago matugunan ang mensahe o tanong?
Dalawa hanggang tatlong araw na may pasok ang tagal bago matugunan ng nakatalagang kawani ang mensahe o tanong ng user.
May posibilidad ba na mawala ang aking akawnt?
Oo. May kakayahan at tungkulin ang nakatalagang kawani na burahin at hindi na muling pahintulutang lumikha ng bagong akawnt ang user sakaling labagin niya ang isa sa mga tuntunin at kondisyon.