Abéllen
Abéllen
Abéllen ang tawag sa wika ng mga Ayta Abéllen na naninirahan sa lalawigan ng Tarlac, partikular sa mga barangay ng Burgos, Iba, Maamot, at Moriones sa bayan ng San Jose; sa Barangay Maasin sa bayan ng San Clemente; sa Barangay Labney sa bayan ng Mayontoc; sa Barangay Papaac sa bayan ng Camiling; at sa Barangay Care sa Lungsod Tarlac. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Abéllen Áyta.
Abéllen ang unang wikang natututuhan ng mga Áyta Abellén. Paglaon ay natututuhan naman nilá ang Ilokáno—ang lingua franca sa lugar, at Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan bagaman biláng lang sa kanila ang nakaiintindi at nakapagsasalita ng Inglés. Ang ganitong multilingguwalismo ay dulot ng edukasyon, intermarriage sa mga miyembro ng ibang pangkating etniko, at pandarayuhan.
Pangalan ng Wika | Abéllen |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Abenlen, Aburlin, Ayta Abéllen |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ayta Abéllen |
Sigla ng Wika | Tiyak na nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Central Luzon, Sambalic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon |
7,505 (NCIP Tarlac 2014) 14,378 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Ethnicity | 14,378 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Household | 68 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | San Jose, San Clemente, Mayantoc, Camiling, at Lungsod Tarlac sa Tarlac |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses