Agtâ Irayá

 

Agtâ Irayá

          Agtâ Irayá ang tawag sa wika ng mga Agtâ na naninirahan sa silangang bahagi ng Lawa ng Buhi sa lalawigan ng Camarines Sur, partikular sa mga barangay ng Irayá (kilalá rin sa tawag na Del Rosario), San Buena, at Santa Elena. Agtâ Irayá ang tawag sa wika ng mga Agtâ na naninirahan sa silangang bahagi ng Lawa ng Buhi sa lalawigan ng Camarines Sur, partikular sa mga barangay ng Irayá (kilalá rin sa tawag na Del Rosario), San Buena, at Santa Elena.

          Bunga ng pakikisalamuha sa ibang grupo sa kanilang rehiyon, natutuhan na ng mga Agtâ Irayá ang mga wikang Bíkol at Rinkonada. Tinatáyang 90% sa kanila ang nakauunawa ng Bíkol; samantálang 50% ang nakauunawa ng Rinkonáda. Nakaiintindi rin silá ng Filipino lalo na iyong mga nakapag-aral.

          Sa kasalukuyan, nása dalawa hanggang anim na porsiyento (2%–6%) na lámang ng mga Agtâ ang nagsasalita ng Agtâ Irayá. Ginagamit na lámang nilá ito kapag kapuwa Agtâ ang kausap. Kahit ang kabataan ay halos hindi na ito ginagamit at nása dalawang porsiyento (2%) na lámang sa kanila ang nakauunawa ng Agtâ Irayá.

Pangalan ng Wika Agtâ Irayá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Agta, Inagta Iraya, Itbeg Rugnot
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Agta
Sigla ng Wika Matinding nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol, Coastal
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 113 (ang datos ay mula sa 20% sample households ng NSO noong 2010) 
Lokasyon Silangang bahagi ng Lawa ng Buhi partikular sa barangay ng San Buena, Santa Elena, at Iraya (Del Rosario), Buhi, Camarines Sur    
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ      

Responses