Agtâ Irigá

 

Agtâ Irigá

          Agtâ Irigá ang tawag sa wika ng grupong Agtâ Irigá na naninirahan sa barangay ng Murocbusok, Niño Jesus, Perpetual Help, San Ramon, Santiago, Santa Isabel, San Nicolas, Santo Domingo, Santa Teresita, San Pedro, at San Vicente sa Lungsod Iriga, Camarines Sur.

          Iilan na lámang sa mga Agtâ Irigá ang nananatiling monolingguwal. Bukod sa wikang Agtâ Irigá, nakauunawa at nakapagsasalita rin ang karamihan sa mga katutubo ng Rinkonáda, Bíkol, at Agtâ Irayá. Dagdag pa sa mga wikang ito ang Filipíno at Inglés na natututuhan ng kabataan lalo na iyong mga nása paaralan.

Pangalan ng Wika

Agtâ Irigá

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Agta, Mount Iriga Negrito, San Ramon Inagta

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Agta

Sigla ng Wika

Tiyak na Nanganganib 

Klasipikasyon

Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol, Inland 

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

Humigit-kumulang sa 10,000  (KWF 2015)

Lokasyon

Barangay San Ramon, Santiago, Sta. Isabel, San Nicolas, Sto. Domingo, Perpetual Help, Sta. Teresita, Murocbusok, Niño Jesus, San Pedro, at San Vicente sa Lungsod Iriga, Camarines Sur

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Malaki ang populasyon nila ngunit hindi lahat ay nakapagsasalita ng wikang Inagta Iriga.

Responses