Átta
Átta
Átta ang tawag sa wikang sinasalita ng mga katutubong Átta na naninirahan sa bayan ng Apayao, partikular sa mga barangay ng San Gregorio, Santa Lina, at Zumigue sa bayan ng Luna; sa bayan ng Pudtol; at sa bayan ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Ádta, Éta, o Ítta.
Bagaman Átta ang pangkalahatang tawag sa grupo at sa wikang kanilang sinasalita, mas kilalá silá sa pangalan ng varayti ng Átta na kanilang sinasalita, tulad ng Ogobok Átta, Kapagaypayan Átta, Átta Tattaday, Kabayo Átta, atbp.
Bukod sa mga nabanggit na varayti, marunong din ang mga Átta ng wikang Ilokáno na lingua franca sa kanilang lugar. Nakaiintindi rin silá ng Filipíno na sinisikap niláng matutuhan mula sa paaralan at sa eksposyur sa iba’t ibang uri ng midya tulad ng libro, radyo, at telebisyon. Iilan lámang sa kanila ang nakaiintindi ng Inglés dahil sa kakulangan ng eksposyur dito.
Pangalan ng Wika | Átta |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Atta Pudtol |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Atta |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 21,832 (NSO 2010) |
Lokasyon | Pudtol at Luna sa Apayao; Gattaran, Cagayan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses