Áyta Kadí

 

Áyta Kadí

          Áyta Kadí ang tawag sa wika ng grupong Áyta Kadí na naninirahan sa mga bayan ng Alabat, Catanauan, at Lopez sa lalawigan ng Quezon; at sa Barangay Putingkahoy sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng Batangas. 

          Dahil Tagálog ang lingua franca sa Quezon, ito rin ang wikang mas ginagamit ng mga Áyta Kadí kaysa sa kanilang katutubong wika. Sa katunayan, karamihan sa kabataang Áyta Kadí ay hindi na natuto ng kanilang wika at sa halip ay nakagisnan na ang paggamit ng wikang Tagálog kasabay ng Filipíno at Inglés na ginagamit na wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Ayta Kadí
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ayta Kadí
Sigla ng Wika Tiyak na Nanganganib  
Klasipikasyon
Mga Kilalang Wikain (dialects) Katabaga  
Populasyon 966 (NCIP Profile 2014)
Lokasyon Alabat, Lopez, Catanauan sa Quezon; Rosario, Batangas
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses