Bahása Sug
Bahása Sug
Bahása Sug ang tawag sa wika ng mga Tausúg na isa sa pinakamalaking pangkat na naninirahan sa arkipelago ng Sulu, partikular sa bayan ng Jolo; gayundin sa Lungsod Isabela, Lantawan, at Lamitan sa Basilan; Tawi-tawi; Zamboanga del Norte; Zamboanga Sibugay; Zamboanga del Sur; Lungsod Zamboanga; Cotabato; at Hilagang Palawan. May ilang grupo rin na gumagamit nitó sa labas ng bansa tulad ng mga nása Sabah, Malaysia at Hilagang Kalimantan, Indonesia.
Nása 50% ng populasyon ng Sulu ang Bahása Sug lámang ang wikang sinasalita, samantáng ang natitirá ay nahahati sa populasyon ng mga nakapagsasalita ng wika ng mga kalapit na grupo tulad ng Chabacano at Maláy. Natututo rin ang karamihan ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Bahasa Súg |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Tausug |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tausug |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, South |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,226,601 sa Pilipinas (NSO 2010) |
Lokasyon | Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Cotabato, Hilagang Palawan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses