Butwánon

 

Butwánon

          Ang Butwánon ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Butwánon na naninirahan sa Lungsod Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte. 

          Tinatawag na riverine language ang Butwánon dahil sinasalita ito ng mga táong nakatirá sa tabíng-ilog tulad ng mga unang Butwánon na nagmula pa sa mga pamayanan sa tabí ng Ilog Agusan at sa delta nito. Gayunman, sa pagdaan ng panahon, marami nang katutubong Butwánon ang lumipat at nanirahan sa mga bayan. Sa katunayan, sa Baryo Bagbag sa Lungsod Butuan matatagpuan ang pinakamalaking blang ng mga nagsasalita ng Butwánon..

          Sa kasalukuyan, itinuturing na moribund language o mamamatay nang wika ang Butwánon dahil sa pagbaba ng bílang ng mga nagsasalita nitó. Sa buong Lungsod Butuan, halos tatlong barangay na lámang ang gumagamit nitó, ang barangay Babag, Banza, at Maon, at tuluyan pang nababawasan dahil sa impluwensiya ng wikang Sebwano na mas gamitín sa lugar.

Pangalan ng Wika

Butwánon

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Butwánon 

Sigla ng Wika

Tiyak na nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, South

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

Ang datos ay kasama sa nagsasalita ng Bisaya (NSO 2010)

Lokasyon

Lungsod Butuan, Agusan del Norte

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Responses