Hamtikánon
Hamtikánon
Hamtikánon ang tawag sa wika ng grupong Áti na naninirahan sa lalawigan ng Antique, partikular sa Barangay Tina sa bayan ng Hamtic at sa mga bayan ng Valderama at Laua-an. Hamtikánon ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Hamtikanon sa loob ng kanilang komunidad hanggang sa sila’y makapag-aral at matuto ng Filipíno at Inglés sa paaralan. Sa paaralan din, kung hindi man sa komunidad, natututuhan ng mga Áti ang wikang Kinaráy-a na lingua franca sa lugar.
Pangalan ng Wika |
Hamtikánon |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) |
|
Pangkat na Gumagamit ng Wika |
Ati |
Sigla ng Wika |
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon |
Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) |
|
Populasyon |
99% ng populasyon ng Brgy. Tina, Hamtik, Antique (NSO 2010) |
Lokasyon |
Bayan ng Hamtic, may mangilan-ngilan ding nagsasalita sa bayan ng Valderama at Lawaan, lalawigan ng Antique |
Sistema ng Pagsulat |
|
Iba pang Talâ |
Responses