Inagtâ Bíkol

         Inagtâ Bíkol ang tawag sa wika ng mga Agtâ na naninirahan sa Camarines Sur at Albay. Ang wikang ito ay itinuturing na kabilang sa subgroup ng wikang Central Philippine, Bikol. 

Ang Inagtâ Bíkol ay sinasalita ng mga Agtâ na nasa Sityo Tabasab, Brgy. Santa Cruz;  Brgy. Ibayugan, Iraya,  Ipil,  San Ramon,  Santa Isabel, at Santa Justina sa Buhi, Camarines Sur;   Sitio Ilian, Katabog, Natabunan, at Rambang, Brgy. San Nicolas;  Brgy.  La Anunciacion,  Sitio Mampili, Brgy. Del Rosario; Brgy.  Perpetual Help,  San Pedro, Santiago, Sta. Maria, Sta. Cruz Norte,  at Sto. Domingo Lungsod Iriga, sa Camarines Sur, at Sityo Tabgon, Brgy Joroan, Brgy. Mâyong, at Misibis sa Tiwi, Albay.

Sa pagsusuri ng mga salitang nakalap mula sa tatlong grupo ng Agtâ sa Tiwi, Albay, Buhi at Lungsod Iriga sa Camarines Sur  sa isinagawang pangangalap ng datos at community validation, 72% ang lexical similarity ng  Inagtâ (Tiwi) sa Inagtâ (Iraya, Buhi); 58% ang lexical similarity ng  Inagtâ (Tiwi) sa Inagtâ (Iriga); at 64% ang lexical similarity ng Inagtâ (Iraya, Buhi) sa Inagtâ (Iriga). 

Hinggil sa kalagayan ng wikang Inagtâ sa Bikol, ayon sa mga taga-Tiwi, Albay, iilan na lamang ang nagsasalita ng kanilang wika.  May ilang kabataan pa rin ang natuturuan sa bahay ngunit karamihan sa kabataan ay ayaw nang matuto ng wika dahil sa nararanasang pambu-bully.  Kadalasan ay iyong mga malapit ng maging elder ang nagpupursige na pag-aralan ang kanilang wika. 

Sa 1,067 populasyon o 279 sambahayan sa Brgy Joroan, nasa 2% na lamang ang nakapagsasalita  ng Inagtâ.  Sa Brgy. Mâyong naman na may populasyong 1,046 o 240 sambahayan, 10 tao na lamang ang nakapagsasalita ng wika at sa Brgy. Misibis na may populasyon 623 o 155 sambahayan, nasa 10% na lamang ang nakapagsasalita ng wika. Karamihan sa kanila ay ang istandard na Bikol  ang natututuhang wika sa bahay. 

Sa kaso naman ng mga Inagtâ sa Sta. Teresita, sa Lungsod Iriga, Camarines Sur, Inagtâ ang unang wikang natututuhan ng mga bata sa bahay.  Sa 313 populasyon o 64 sambahayan ng mga Agtâ sa Sta. Teresita, 100% na sinasalita ang Inagtâ sa komunidad nila. Sinasalita din ito sa labindalawa pang komunidad ng Agtâ sa Lungsod Iriga.

Samantala,  sa kaso naman ng Agtâ sa Buhi, Camarines Sur, sa 4,163 populasyon  o 674 sambahayan ng mga Agtâ sa Brgy. Iraya sa Buhi, Camarines Sur, 90% dito ay may lahing Agtâ subalit nasa 15%–25% na lamang ang nakapagsasalita ng wikang Inagtâ at  ito ay mga matatandang edad 60 pataas na lamang. Hindi na  naituturo ang Inagtâ sa mga kabataan dahil hindi na sila interesado na pag-aralan ang kanilang wika dahil sa diskriminasyong nararanasan nila. Mas pinipili na ng mga kabataan ang wikang Boînën, Rinkonada, Bikol, at Filipino. Bukod sa Brgy. Iraya, may iba pang komunidad ng Agtâ na nagsasalita ng Inagtâ na matatagpuan sa Buhi, Camarines Sur, ito ay ang Brgy. Ibayugan, Brgy. Ipil, Brgy. San Ramon, Sitio Kaubasan ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Brgy. Isabel, Sta. Justina.

Bikol at Inagtâ ang ginagamit na wika sa bahay, komunidad, at sa mga ritwal ng mga Agtâ sa Tiwi, Albay. Bikol, Filipino, at Ingles ang ginagamit sa negosyo, politika, transportasyon, simbahan, at sa edukasyon.

Sa Sta. Teresita, Lungsod Iriga, Inagtâ ang unang wikang natututuhan ng mga batà sa tahanan. Inagtâ ang ginagamit na wika sa mga pulong pangkomunidad. Rinkonada, Bikol, at Filipino ang ginagamit na wika sa edukasyon, transportasyon, at sa politika depende sa kausap nila. Rinkonada at Bikol ang ginagamit ng mga pastor/pari sa   sermon pero sa Inagtâ sila sumasagot. Ginagamit din ng mga bata ang Inagtâ sa social media. 

Sa kaso ng mga Agtâ sa Buhi, Camarines Sur, Boînën  ang kanilang wikang ginagamit sa tahanan.  Filipino, Boînën, at Ingles ang ginagamit na wika sa mga pulong, sa edukasyon, politika, transportasyon, at sa social media.  Bikol naman ang ginagamit na wika sa relihiyon. 

Wala pang  ortograpiya ang mga Agtâ sa Tiwi, Albay, pero may mga nagawa na silang big books at ilang babasahing Inagtâ sa tulong ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). May Indigenous Peoples Education (IPEd) din sa komunidad nila na nakatutulong sa kanila na maituro sa mga kabataan nang paunti-unti ang wika at kultura nila. May IPEd din sa komunidad ng mga Agtâ sa Sta. Teresita, Lungsod Iriga kaya naituturo ang wika at kultura nila sa kanilang mga kabataan. Wala pa  silang  ortograpiya pero may ginawa na silang big books sa Inagtâ subalit hindi pa nila ito nagagamit sa eskuwelahan dahil hindi naiintindihan ng mga guro. Samantala, wala pang naisusulat na kagamitan pampagkatuto o babasahin sa wikang Inagta sa Iraya, sa Buhi, Camarines Sur.

Pangalan ng Wika

Inagtâ Bíkol 

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Inagtâ Iraya, Inagtâ Iriga, Inagtâ Tiwi
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Agtâ
Sigla ng Wika Tiyak na Nanganganib (Salik 1)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika 

 

Lokasyon

Maddela, QuirínoBrgy. Ibayugan; Brgy. Iraya; Brgy. Ipil; Brgy. San Ramon; Sityo Tabasab, Brgy. Santa Cruz; Brgy. Santa Isabel; at Brgy. Santa Justina sa Buhi, Camarines Sur


Brgy. Santa Teresita; Brgy. Perpetual Help; Sityo Ilian, Sityo Katabog, Sityo Natabunan, Sityo Rombang, Brgy. San Nicolas; Brgy. La Anunciacion; Sityo Mampili, Brgy. Del Rosario; Brgy. San Pedro; Brgy. Santiago; Brgy. Santa Maria; Brgy. Santa Teresita; Brgy. Sta. Cruz Norte; at Brgy. Santo Domingo sa Lungsod Iriga, Camarines Sur


Sityo Tabjon, Barangay Joroan; Brgy. Mâyong; at Brgy. Misibis sa Tiwi, Albay

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

 

Pangalan ng Wika Agtâ Quiríno
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Agtâ, Agtâ Nagtipúnan
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Agtâ
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1)
Klasipikasyon Northern Luzon
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 345 (NCIP Rehiyon II, 2024)
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  174 (NCIP Rehiyon II, 2024)
Lokasyon

Maddela, Quiríno

Nagtipunan, Quiríno

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

 

Pangalan ng Wika Agtâ Quiríno
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Agtâ, Agtâ Nagtipúnan
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Agtâ
Sigla ng Wika Ligtas (Salik 1)
Klasipikasyon Northern Luzon
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 345 (NCIP Rehiyon II, 2024)
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika  174 (NCIP Rehiyon II, 2024)
Lokasyon

Maddela, Quiríno

Nagtipunan, Quiríno

Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

 

Responses