Ini

 

Ini

          Iní ang tawag sa wika ng mga Romblománon sa bayan ng Romblon, San Agustin, Magdiwang, San Fernando, at Cajidiocan sa lalawigan ng Romblon; at sa ilang bahagi ng Oriental Mindoro. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Romblománon, Tiyad Iní, Basi, Niromblon, o Sibuyanon. 

          Bukod sa wikang Iní, marunong din ang mga Romblománon ng ibang wika. Ang mga Romblománon sa isla ng Sibuyan ay nakaiintindi at nakapagsasalita ng Aklánon, Hiligaynón, at Tagálog. Ang wikang Filipíno at Inglés naman ay natututuhan nilá sa eskuwelahan at sa pamamagitan ng eksposyur sa midya.

Pangalan ng Wika Iní
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Romblománon, Tiyad Iní, Basi, Niromblon, o Sibuyanon
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Romblomanon
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Ini
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 120,633 (LEF 2018 / 2015 Census, Rehiyon IVB)
Lokasyon Bayan ng San Agustin,  Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando, lalawigan ng Romblon
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses