Itawit

Itawit

          Itáwit ang tawag sa wika ng mga katutubong Itáwes na naninirahan sa lalawigan ng Cagayan, partikular sa mga bayan ng Enrile, Solana, Piat, Tuao, Iguig, Amulung, Tuguegarao, Peñablanca, Gattaran, Lallo, Appari, at Santo Niño. May ilan ding naninirahan sa lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. Sa Enrile, Cagayan matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng mga Itáwes. 

          Tatlumpu’t limang porsiyento (35%) ng kabuoang populasyon ng Cagayan ay mga Itáwes. Ang natitirá ay binubuo ng mga grupong Kalínga, Ilokáno, Kapampángan, at Ibanág. Sa pakikisalamuha sa mga grupong ito ay hindi maiwasang matutuhan ng mga Itáwes ang alinman o ang lahat ng wika ng ibang grupo, bukod pa sa Ilokáno na ginagamit nilá bílang lingua franca ng rehiyon. Natututuhan rin ng mga katutubong Itáwes ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Itáwit
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Itawes, Itawis
Pangkat na gumagamit ng wika  Itawes
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibaganic 
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon 225, 744 (NSO 2010 R-1, R-2)
Lokasyon Lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Enrile, Solana, Piat, Tuao, Iguig, Amulung, Tuguegarao, Peñablanca, Gattaran, Lallo, Appari, at Sto. Niño
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang talâ

Responses