Kabulowan

 

Kabulowan

          Wikang Kabulowan ang tawag sa katutubong wika ng mga Alta. Sinasalita ito sa pilíng munisipalidad sa lalawigan ng Nueva Ecija at Bulacan. 

          Ligtas ang estado ang wikang Kabulowan sa komunidad ng mga Alta sa Sityo Mabaldog, Brgy. Ligaya, Gabaldon, Nueva Ecija sapagkat wikang Kabulowan pa rin ang unang wikang natututuhan ng kabataan sa kanilang komunidad. Likás itong natututuhan ng kabataan sapagkat ito ang naririnig nilang ginagamit ng kanilang mga magulang sa loob ng tahanan at sa buong komunidad.

          Bagaman nása estadong “ligtas” ang wikang Kabulowan, kítang-kíta sa kanilang komunidad ang pag-iral ng iba’t ibang salik na nakaaapekto o itinuturing na bantâ sa kalagayan nitó. Ang mga ito ay ang sumusunod: (a) bílang ng mga tagapagsalita sa isang komunidad; (b) proporsiyon ng mga tagapagsalita sa kabuoang bílang ng komunidad; (c) kalagayan o pag-iral ng wika sa iba’t ibang language domains; at (d) pagiging available ng mga kagamitang pampagkatuto na nása katutubong wika.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2016

Pangalan ng Wika Kabulowan
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Kabulowen
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Alta
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, Alta
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 327 pamilya sa Nueva Ecija
Lokasyon Doña Remedios Trinidad sa Bulacan; Gabaldon at General Tinio sa Nueva Ecija
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses