Kalangúya

Kalangúya

          Ang Kalangúya ay ang wika ng mga katutubong Kalangúya na naninirahan sa bayan ng Santa Fe at Aritao sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Mayroon ding mga naninirahan sa lalawigan ng Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Ifugao, at Benguet. Sa bayan ng Santa Fe sa Nueva Vizcaya matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng populasyon ng mga Kalangúya. 

          Mataas ang pagtingin ng mga Kalangúya sa kanilang wika. Sa kabila nitó, unti-unti nang nababawasan ang bílang ng nagsasalita nitó bunga ng diskriminasyon. Sa katunayan, marami sa mga batàng Kalangúya ang hindi na marunong magsalita ng kanilang katutubong wika dahil mas sanáy na silá sa wikang Ilokáno—ang rehiyonal na wika sa lugar. Natututuhan nilá ito kasabay ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Kalangúya
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kalanguya, Ikalahan
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran, Kallahan
Mga Kilalang Wikain (dialects) Dekey, Ki-hang,Kib-al, Keley-i, Ni-ni
Populasyon

115,000 (Joshua Project 2019, KWF LEF)

97,291 (NSO 2010 CAR, R-II, R-III)

Lokasyon Ifugao, Benguet, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Pangasinan, Aurora
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses