Kankanáëy
Kankanáëy
Kankanáëy ang tawag sa wikang sinasalita ng grupong Kankanáëy sa lalawigan ng Mountain Province, partikular sa mga bayan ng Bauko, Besao, Sabangan, Sagada, at Tadian; at sa mga bayan ng Bakun, Buguias, Kibungan, at Mankayan sa lalawigan ng Benguet. May mangilan-ngilan ding nagsasalita ng wikang ito sa mga lalawigan ng Aurora, Ilocos Sur, La Union, Nueva Ecija, Pangasinan, Quirino, at Zambales. Kilalá rin ang grupong ito sa tawag na Kankanáëy Apláy.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Kankanáëy ng wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Marami rin sa kanila ang marunong ng Filipíno at Inglés dalá ng impluwensiya ng edukasyon, pakikisalamuha sa mga dayo, at eksposyur sa midya.
Pangalan ng Wika | Kankanáëy |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Northern Kankanaëy, Kankanay, Igorot, Applai/Aplay |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kankanaëy, Aplay |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso Cordilleran, South- Central Cordilleran, Central Cordilleran |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Northern Kankanaëy |
Populasyon |
77,936 (2015 PSA Tadian, Bauko, Sabangan, Besao, Sagada, Mt. Province; KWF 2018) 386,452 (NSO 2010 CAR, R-I, R-II, R-III) |
Lokasyon | Bauko, Besao, Sabangan, Sagada, at Tadian sa Mountain Province; Bakun, Bugias, Mankayan, at Kibungan sa Benguet |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses