Karáw
Karáw
Ang Karáw ay ang wikang sinasalita ng katutubong pangkat ng parehas na pangalan na naninirahan sa barangay ng Ekip at Karao sa Bokod, Benguet. Madalas ay binabaybay ng mga katutubong Karáw ang pangalan ng kanilang wika at pangkat bílang “Karao” batay sa ispeling ng kanilang tinitirahan.
Bagamat tinatáyang 1,825 lámang ang tagapagsalita ng Karáw, maituturing na masigla ito dahil halos lahat ng katutubong pangkat nito ay una pa ring natutuhan ang sarili nilang wika. Bukod pa rito, kasalukuyan ding ginagamit ang Karáw sa pagtuturo sa mga batàng Karaw sa Bokod, Benguet.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018
Pangalan ng Wika | Karáw |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Karao |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Karáw |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,825 (2016 DOH Bokod, Benguet; LEF 2018) |
Lokasyon | Brgy. Karao at Brgy. Ekip, Bokod, Benguet |
Sistema ng Pagsulat |
Titik/Alpabetong Romano Katutubong paraan ng pagsulat |
Iba pang Talâ |
Responses