Kinamigíng

Kinamigíng

          Ang Kinamigíng ang wika ng mga katutubong Manóbo Kinamigín sa bayan ng Sagay at Guinsiliban sa Isla ng Camiguin. 

          Bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Manóbo Kinamigín ng mga wikang Hiligaynón at Binisayâng Mindanáw. Natututuhan naman nilá ang Filipíno at Inglés mula sa paaaralan at sa pakikisalamuha sa mga dayo sa kanilang lugar.

Pangalan ng Wika Kinamigíng
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Manóbo Kinamigín, Kinamiguin, Kamigin
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manobo Kinamigín
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, North
Mga Kilalang Wikain (dialects)  
Populasyon 66,941  (NSO 2010 R-X)
Lokasyon Bayan ng Sagay at Guinsiliban sa isla ng Camiguin  
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano 
Iba pang Talâ

Responses