Kinaráy-a
Kinaráy-a
Kinaráy-a ang tawag sa wika ng mga Karáy-a na naninirahan sa iba’t ibang bahagi ng mga lalawigan ng Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Antiqueño, Hinaráya, at Karáy-a.
Bukod sa Kinaráy-a, sinasalita rin ang wikang Hiligaynón sa mga nabanggit na lugar. Gayunman, higit na marami ang nagsasalita nitó kaysa Hiligaynón sa lalawigan ng Antique, sa buong Capiz, sa Gitnang Iloilo, at sa mga bayan sa kanlurang baybáyin ng Iloilo. May ilan ding grupo na nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan.
Nakauunawa rin ang halos lahat ng mga Karáy-a ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Kinaráy-a |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Antiqueño, Hinaráya, Karáy-a |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Karáy-a |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 482,123 (NSO 2010 R-IVB, R-VI) |
Lokasyon | Antique; Lungsod Passi, Alimodan, San Joaquin, Lambunao, Calinog, Leon, Miag-ao, Pavia, Badiangan, San Miguel, Guimbal, San Enrique, Tigbauan, San Enrique, Tigbauan, Igbaras, Leganes, Pototan, Bingawan, San Rafael, Mina, Zarraga, Oton, Santa Barbara, Cabatuan, Janiuay, Maasin, New Lucena, Dueñas, Dingle, at Tubungan sa Iloilo; Tapaz, Jamindan, Dumalag, at Dumarao sa Capiz; ilang bahagi ng Aklan at Palawan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses