Kolibúgan
Kolibúgan
Kolibúgan ang wikang sinasalita ng mga katutubong Kalibúgan na naninirahan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Dipolog, Liloy, Sibuko, Sindangan, Siocon, Sirawai, at Titay. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Davao, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Sa Sirawai matatagpuan ang sentrong komunidad na mahigit 80% ng kabuoang populasyon ay binubuo ng mga Kalibúgan hábang ang natitiráng 20% ay mga Sebwáno, Ilónggo, Siyámal, at Joloháno.
Bukod sa Kolibúgan, marunong ding magsalita ang mga Kalibúgan ng ibang wika tulad ng Subanën, Sebwáno at Hiligaynón. Marunong rin silá ng Filipíno at kaunting Ingles na natutuhan nilá bílang mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Kolibúgan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kalibúgan |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Subanon, Western |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 37,634 (NSO 2010 R-IX) |
Lokasyon | Siocon, Sirawai, Sibuko, Titay, Liloy, Sindangan, at Dipolog sa Zamboanga del Norte |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses