Listahan ng mga Wika ng Pilipinas – A

Listahan ng mga

Wika ng Pilipinas

 

Abéllen

Abë́llën ang tawag sa wika ng mga Áyta Abë́llën na naninirahan sa mga bayan ng San Jose, San Clemente, Mayantoc, Camiling, at Lungsod Tarlac sa lalawigan ng Tarlac. Ang wikang ito ay nabibilang sa klasipikasyong Central Luzon, Sambalic.

 

Agtâ Dumágat Casigúran

Ang Agtâ Dumágat Casigúran ay ang wika ng grupong Agtâ Dumágat Casigúran na naninirahan sa lalawigan ng Aurora, partikular sa bayan ng Dinalungan, Casiguran, at…

 

Agtâ Dumágat Umíray

Agtâ Dumágat Umíray ang tawag sa wika ng grupong Dumágat na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon, partikular sa mga bayan ng Burdeos, General Nakar, Mauban, Panukulan..

Agtâ (Quiríno)

 

Agutaynë́n

Agutaynë́n ang tawag sa wika ng mga katutubong Agutaynen na naninirahan sa lalawigan ng Palawan, partikular sa isla ng Agutaya; sa mga barangay ng Dagman, Osmeña, at San Jose de Oro sa bayan…

 

Aklánon

Aklánon ang tawag sa wika ng grupong Aklánon na naninirahan sa lalawigan ng Aklan. May ilan ding nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan, tulad sa bayan ng El Nido at sa ilang bahagi ng mga bayan…

 

Alangán Mangyán

Alangán Mangyán ang tawag sa wika ng grupong Alangán Mangyán na naninirahan sa Oriental Mindoro, partikular sa mga bayan ng Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria; at sa Occidental Mindoro, sa bayan…

 

Álta

Álta ang tawag sa wika ng mga katutubong Álta na naninirahan sa lalawigan ng Aurora. Ang wikang ito ay itinuturing kabilang sa subgroup ng wikang North Luzon na Meso Cordilleran.

Árta

Árta ang tawag sa wika ng mga katutubong Árta na naninirahan sa bayan ng Nagtipunan, Quirino. Ang wikang ito ay itinuturing kabilang sa subgroup ng wikang Austronesian na Malayo-Polynesian.

Ási

Ási ang tawag sa wika ng mga katutubong Ási na naninirahan sa lalawigan ng Romblon. Ang wikang ito ay itinuturing na kabílang sa Visayan subgroup ng mga wikang Central Philippine. Kasama ang Ási sa tatlong pangunahing…

 

Átta

Átta ang tawag sa wikang sinasalita ng mga katutubong Átta na naninirahan sa bayan ng Apayao, partikular sa mga barangay ng San Gregorio, Santa Lina, at Zumigue sa bayan ng Luna; sa bayan ng Pudtol…

Áyta Ambalá

Áyta Ambalá ang tawag sa wika ng mga katutubong Áyta Ambalá na naninirahan sa lalawigan ng Bataan at Zambales. Ang wikang ito ay itinuturing na kabilang sa subgroup ng wikang Central Luzon na Sambalic.

 

Áyta Mag-ántsi

Áyta Mag-ántsi ang tawag sa wika ng mga katutubong Áyta Mag-ántsi na naninirahan sa mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, at Zambales. Ang wikang ito ay itinuturing na kabilang sa subgroup ng wikang…

 

Ayta Mag-indi

Ang Ayta Mag-indi ay wikang sinasalita ng katutubong pangkat ng parehas na pangalan na naninirahan sa kabundukan ng Pampamga at Zambales. Sa kasalukuyan, mayroon nang lupaing ninuno ang mga…

 

Áyta Magbukún

Áyta Magbukún ang tawag sa wika ng mga katutubong Áyta Magbukún na naninirahan sa lalawigan ng Bataan. Ang wikang ito ay itinuturing na kabilang sa subgroup ng wikang Central Luzon na Sambalic.

Responses