Listahan ng mga Wika ng Pilipinas – B

Mga Wika ng Pilipinas

 

Balangáw

Ang Balangáw ay ang wika ng mga katutubong Balangáw na naninirahan sa siyam na barangay ng bayan ng Natonin, Mountain Province. Tinatawag din ang wikang ito na Binalangáw o Finalangáw…

 

Bíkol

Bíkol ang tawag sa wika ng mga Bikoláno na naninirahan sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, at Sorsogon. Itinuturing ang wikang ito na kabilang sa Central…

 

Binúkid

Ang Binúkid ay ang wika ng mga katutubong Bukidnón sa bayan ng Manolo Fortich, Valencia, at Malaybalay sa lalawigan ng Bukidnón…

Bláan

Ang Bláan ay ang wika ng grupong Bláan na matatagpuan sa lalawigan ng Sultan Kudarat, Sarangani, at Timog Cotabato…

 

Bolináw

Bolináw ang tawag sa wika ng mga Bolinawnón na nanininirahan sa Isla ng Anda at mga barangay ng Binabalian, Concordia, Dewey, Germinal, Goyodin…

 

Bukidnon Magahat

Magahát ang tawag sa wika ng mga katutubong Magahát Bukidnón na kilalá rin sa tawag na Bukî…


Butuánon

Ang Butuánon ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Butwánon na naninirahan sa Lungsod Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte…

 

Bángon Mangyán

Ang Bángon Mangyán ay ang wika ng katutubong Bángon Mangyán na matatagpuan sa paligid ng Ilog Binagaw sa Bongabong at sa mga nakapalibot na bundok sa bayan ng …

 

Binaták

Ang Binaták ay isang wikang Áyta na sinasalita ng grupong Bátak na naninirahan sa Palawan, partikular sa mga komunidad ng Babuyan, Maoyon, Tanabag, Langogan, Tagnipa, Caramay, at…

 

Binukidnon/Binukignon

Sa mga taga-Don Salvador Benedicto, Lungsod San Carlos, at ilang bahagi ng Kabankalan at Isabela, tinatawag nila itong Binukidnon. Samantála, sa mga taga-Ilog, Himamaylan, Binalbagan, Cauayan, at ilang bahagi din ng Isabela ay Binukignon. Ang ibig sabihin ng salitáng bukidnon/bukignon ay nakatira sa bundok.


Boînën

Boînën ang tawag ng mga katutubong Buhînon sa kanilang wikang sinasalita. Matatagpuan silá sa bayan ng Buhî sa lalawigan ng Camarines Sur.

 

Bugkalót/Égongót

Ang Bugkalót/Égongót ay ang wika ng grupong Bugkalót/Égongót na naninirahan sa Nueva Vizcaya…

 

Búhid Mangyán

Ang Búhid Mangyán ay ang wika ng mga katutubong Búhid Mangyán na naninirahan sa lalawigan ng Mindoro. Itinuturing itong bahagi ng subgroup ng wikang Greater Central Philippines na tinatawag na South Mangyan.

 

Responses