Listahan ng mga
Wika ng Pilipinas
Sáma
Sáma ang tawag sa wika ng mga katutubong Sáma na naninirahan sa lalawigan ng Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Palawan, at Davao del Norte.
Mataas ang pagtingin ng mga Sáma sa kanilang katutubong wika. Sa katunayan, ito ang…
Sambál
Sambál ang tawag sa wika ng grupong Sambál na matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Gitnang Luzon at bahagi ng gitnang kapatagan ng Luzon, at sa ilang bayan sa lalawigan ng Zambales.
Ang wikang Sambál ay mas gamitín ng mga nakatatandang…
Sangirë
Sangirë ang tawag sa wika ng mga Sângil na naninirahan sa tatlong pangunahing bayan sa baybáyin ng Davao del Sur (Jose Abad Santos); hilagang-silangan ng Sarangani (Isla ng Balut); at sa mga baybayin ng Timog Cotabato. Kilalá rin ang mga Sángil sa mga…
Sebwáno
Isa ang Sebwáno sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Sinasalita ito ng mga grupong Sebwáno at ng iba pang pangkating etniko sa isla ng Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, Agusan, Bukidnon, Davao, Lanao del Norte, Surigao, Misamis…
Sinadánga
Sinadánga ang wikang sinasalita ng mga katutubong Isadánga na naninirahan sa Sadanga, Mountain Province.
Sinadánga ang pangkalahatang wika sa bayan ng Sadanga na binubuo ng sumusunod na barangay: Anabel, Belwang…
Subánën
Ang Subánën ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Subánën sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Katipunan, Sindangan, Siocon, Sirawai, Dipolog, Manukan, Titay, Ipil, Labason, Sibuco, Salug, Kalawit…
Surigawnón
Ang Surigawnón ay ang wikang sinasalita ng mga grupong Surigawnón sa mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur; Isla ng Dinagat; at sa mga bayan ng Kitcharo at Jabonga sa lalawigan ng Agusan del Norte. Surigawnón at Sebwano ang…
Responses