Magahát

Magahát

          Magahát ang tawag sa wika ng mga katutubong Magahát Bukidnón na kilalá rin sa tawag na Bukî. Sinasalita ito sa lalawigan ng Negros Oriental, partikular sa mga barangay ng Bongolanon, Cabatuanan, Linantayan, at Maglinao sa bayan ng Basay.

          Bukod sa mga Bukî ay mayroon ding grupong Sebwáno sa lalawigan kayâ bukod sa Magahát, natututo rin ang mga katutubo ng wikang Sebwáno. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan. 

Pangalan ng Wika Magahát
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Bukidnon Magahat
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Bukî o Magahat Bukidnon 
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine 
Mga Kilalang Wikain (dialects)  
Populasyon 10,000 (KWF 2015)  
Lokasyon Barangay ng Bongalonan, Cabatuanan, Maglinao, at Linantayan sa bayan ng Basay sa lalawigan ng Negros Oriental  
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses