Magindanáwon
Magindanáwon
Ang Magindanáwon ay isa sa mga wikang Danáw na kinabibilangan din ng mga wikang Iránun at Mëranáw. Sinasalita ito sa halos buong lalawigan ng Maguindanao, gayundin sa ilang bahagi ng Lungsod Cotabato, Timog Cotabato, Lanao del Sur, at Sultan Kudarat, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Kasámang naninirahan ng mga Magindanáwon ang iba pang grupo tulad mga Sebwáno, Chabacano, at Tausúg sa kanilang lugar kayâ nakapagsasalita rin silá ng alinman sa wika ng mga grupong ito. Marunong din silá ng mga wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Magindanáwon |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Maguindanaon |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Magindanawon |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Danao |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Laya, Ilud, Biwangan, Sibugay, Tagakawayan |
Populasyon | 1,402,226 (NSO 2010 R-IX, R-XII, ARMM) |
Lokasyon | Maguindanao, Lanao del Sur, Sultan Kudarat, Zamboanga del Sur, Lungsod Cotabato, Hilagang Cotabato, Timog Cotabato |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses