Malawég
Malawég
Malawég ang tawag sa wikang sinasalita ng mga katutubong Malawég na naninirahan sa mga bayan ng Enrile, Piat, Rizal, at Tuguegarao sa lalawigan ng Cagayan, gayundin sa bayan ng Tabuk sa lalawigan ng Kalinga.
Sa bayan ng Rizal ang sentro ng grupo na pinaninirahan ng 10,000 hanggang 11,000 Malawég, at patuloy pa itong nadadagdagan dahil sa intermarriage at paninirahan ng mga migrante sa kanilang lugar na di-kalaunan ay natututo rin ng kanilang wika.
Bagaman kasámang naninirahan ng mga Malawég ang ibang grupo tulad ng mga Itáwes, Ibanág, Ilokáno, Agtâ, at Tagálog—na dahilan upang matutuhan nilá ang wika ng mga grupong ito—nanatiling mataas ang pagtingin nilá sa kanilang katutubong wika. Katunayan, Malawég ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Malawég at ito rin ang ginagamit na wikang panturo sa mga paaralan.
Pangalan ng Wika | Malawég |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Malawég |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibanagnic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon |
10,000+ (KWF 2015) 23,048 (NSO 2010 R-II, CAR) |
Lokasyon |
Rizal, Tuguegarao, Enrile, at Piat, Cagayan at sa Tabuk, Kalinga |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses