Malaynón

Malaynón

          Malaynón ang tawag sa wikang sinasalita ng mga katutubong Áti na naninirahan sa mga bayan ng Buruang, Nabas, at Malay, partikular sa barangay ng Cubay Sur, sa lalawigan ng Aklan. Kilalá rin sa tawag na Áti Malaynón ang parehong grupo at wika.

          Mataas ang pagtingin ng mga Malaynón sa kanilang wika. Sa katunayan, ipinagbabawal ng grupo ang paggamit ng ibang wika sa kanilang lugar. Sínumáng katutubong Áti na dumayo sa ibang lugar at natuto ng ibang wika ay pinagbabawalang gamítin ang wikang iyon sa pagbalik niya sa nayon. Gayundin, ang sínumáng dayo sa kanilang lugar ay hinihikayat na matutuhan ang wikang Malaynón. 

          Sa kabila nitó, hindi maiwasang matutuhan nilá ang ibang wika tulad ng Hiligaynón, Aklánon, Sebwáno, Filipino, at Inglés dahil sa pakikisalamuha sa mga táong dumarating sa kanilang tanggapan at sa pagdalo sa mga aktibidad sa labas ng komunidad. Ang ibang matatanda na hindi nakalalabas ng komunidad ay nananatiling monolingguwal. Nananatili ring monolingguwal ang mga batà hanggang sa tumuntong silá sa paaralan at matuto ng wikang Filipíno at Inglés.

Pangalan ng Wika

Malaynón

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Ati Malaynón

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Ati 

Sigla ng Wika

Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West

Mga Kilalang Wikain (dialects)

 

Populasyon

Hindi tiyak ang bílang ng nagsasalita 1,423 (PSA 2015 Brgy Cubay Sur, Malay Aklan)

Lokasyon

Barangay Cubay Sur, Malay, Aklan;  sinasalita rin ito sa bayan ng Buruanga at Nabas, lalawigan ng Aklan  

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Responses