Manóbo Dulángan

Manóbo Dulángan

          Manóbo Dulángan ang tawag sa wika at grupo ng mga katutubong Manóbo Dulángan sa Sultan Kudarat at sa ilang bayan ng Maguindanao. Pinakamalaki ang bílang ng grupo sa lalawigan ng Sultan Kudarat, partikular sa mga bayan ng Senator Ninoy Aquino, Lebak, Palimbang, Kalamansig, Esperanza, at Bagumbayan.

          Kadalasang Manóbo Dulángan ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Manóbo Dulángan. Ngunit dahil napaliligiran ng ibang etnolingguwistikong grupo tulad ng mga Tëduráy, Magindanáwon, at Tíbolí, gayundin ng mga dayong Ilónggo, Ilokáno, Bisayà, at Tagálog, hindi maiwasang matutuhan nilá ang mga wika ng mga grupong ito. Mangilan-ngilan din sa kanila ang natututo na ng Ingles dahil ginagamit itong wikang panturo kasáma ng Manóbo Dulángan at Filipíno. 

Pangalan ng Wika Manóbo Dulángan
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manóbo Dulangan
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 23,772 (NSO 2010 R-XII, ARMM)
Lokasyon Sultan Kudarat partikular sa bayan ng Sen. Ninoy Aquino, Lebak, Palimbang, Kalamansig, Esperanza, at mangilan-ngilan sa Bagumbayan; ilang bayan sa Maguindanao
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses