Manóbo Matigsalúg

Manóbo Matigsalúg

          Manóbo Matigsálug ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo Matigsálug na naninirahan sa Davao Matigsálug ay ginagamit ng mga katutubong Manóbo Matigsálug na nakatirá malápit sa Ilog Salug. Matatagpuan sila sa Lungsod Davao, Davao del Sur, Davao del Norte, Hilagang Cotabato, at Bukidnon.

          Naituturo pa rin ng mga magulang ang wikang Manóbo Matigsálug sa kanilang mga anak, subalit ang kabataang nalayo sa kanilang komunidad para mag-aral ay hindi na masyadong nagsasalita nitó. Ginagamit na rin ang wikang Manóbo Matigsálug bílang wikang panturo sa mga paaralan. 

Pangalan ng Wika Manóbo Matigsálug
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Matigsálug
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manóbo Matigsálug
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, South, Ata-Tigwa
Mga Kilalang Wikain (dialects) Kulamen
Populasyon 28,942  (NS) 2010 R-X, R-XI, R-XII)  
Lokasyon Lungsod Davao, Davao del Sur, Davao del Norte, Hilagang Cotabato, Bukidnon
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano 
Iba pang Talâ

Responses