Menuvú

Menuvú

          Ang Menuvú ay ang wika ng mga katutubong Menuvú na naninirahan sa lalawigan ng Bukidnon. Isa silá sa pitóng pangunahing grupo sa lalawigan at matatagpuan partikular sa mga bayan ng Pangantucan at Kalatungan na itinuturing na sentro ng grupo. May mga grupo rin ng Menuvú sa mga lalawigan ng Davao, Butuan, Cotabato, at Surigao.

          Kasámang namumuhay ng mga Menuvú sa paligid ng Bundok Kalatungan ang mga grupo ng Talaandíg, Higaúnon, at Manóbo Matigsálug kayâ hindi maiwasang matutuhan nilá ang wika ng mga grupong ito. Gayumpaman, nananatiling mataas ang pagtingin ng mga Menuvú sa kanilang katutubong wika. Sa katunayan, nananatili siláng monolingguwal hanggang sa matutuhan nilá ang Binisayâng Mindanáw—isa sa mga wikang panturo—kasabay ng Filipíno at Inglés pagtuntong nilá sa eskuwelahan. Nakaiintindi at nakapagsasalita rin silá ng mga wikang Binúkid at Mëranaw.

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018

Pangalan ng Wika Menuvú
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Minenuvú
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Menuvú
Sigla ng Wika Tiyak na nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Philippine, Manobo, Central, South, Obo
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 6,340 (Pangantucan MPDO CBMS Survey 2015–2016) LEF 2018
Lokasyon Pangantucan at Kalatungan, Bukidnon
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses