Mënuvú Úbo
Mënuvú Úbo
Ang Mënuvú Úbo ay ang wika ng mga katutubong Mënuvú Úbo na naninirahan sa hilaga at kanlurang bahagi ng Bundok Apo, partikular sa mga bayan ng Baguio at Marilog sa Lungsod Davao; at sa Lungsod Kidapawan sa Hilagang Cotabato.
Mayroong dalawang varayti ang Mënuvú Úbo: ang isa ay sinasalita sa Lungsod Davao hábang ang isa naman ay sinasalita sa Lungsod Kidapawan. Bukod sa mga varayti na ito, sinasalita rin ng grupo ang mga wikang Manóbo, Bagóbo Tagabáwa, Manóbo Áta, Manóbo Matigsálug, Hiligaynón, at Binisayáng Mindanáw na rehiyonal na wika sa lugar. Natututuhan na rin ng mga batàng Mënuvú Úbo ang Filipíno, at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Mënuvú Úbo |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Mënuvú Úbo |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Philippine, Manobo, Central, South, Obo |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 18,441 (NSO 2010 R-XI, R-XII) |
Lokasyon | Hilaga at kanlurang bahagi ng Bundok Apo partikular sa distrito ng Baguio at Marilog sa Lungsod Davao; at Kidapawan, Hilagang Cotabato |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses