Mga Tuntunin at Kondisyon

Naglalaman ang Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng mga impormasyon, saliksik, ortograpiya, at iba pang sanggunian hinggil sa wika at kultura ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas. Sa pag-akses, paggamit, at/o pag-download sa alinmang materyal, sumasang-ayon ang user sa mga tuntunin at kondisyong ipatutupad ng Komisyon sa Wikang Filipino.

  • Pinatutunayan kong wasto ang ibinigay na mga impormasyon at ako ang nagmamay-ari ng pagkakakilanlan. Sa pagkakataong mapatunayang ginamit at/o ninakaw ko ang pagkakakilanlan ng ibang tao, nauunawaan ko na maaari akong mapatawan ng parusa alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, at iba pang kaugnay o umiiral na batas ng Pilipinas. 
  • Sa paglikha ng akawnt, pinahihintulutan ko ang KWF na kolektahin, iimbak, at/o iproseso ang aking impormasyon para sa layuning masubaybayan ang pag-akses ko sa mga materyal na matatagpuan sa Repositoryo.
  • Kinikilala ko na ang lahat ng materyal na matatagpuan sa Repositoryo ay pag-aari ng KWF. Bunga ito ng pakikipagtulungan sa mga iskolar ng wika, paaralan, samahan, ahensiya ng pamahalaan, at mga pinuno at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural. 
  • Ipinahahayag ko na ang paggamit o pag-akses sa alinmang impormasyon at/o sanggunian ay para lámang sa layuning akademiko at pananaliksik. Sa pagkakataong mapatunayang ginamit ko ito sa layuning komersiyal, nauunawaan ko na maaari akong mapatawan ng parusa alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, Batas Republika Blg. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, at iba pang kaugnay o umiiral na batas ng Pilipinas.
  • Nauunawaan ko na ang paggamit sa alinmang materyal, bahagi o kabuoan, nang walang kaukulang pagsipi ay maituturing na plahiyo. Sa pagkakataong mapatunayang ako ay nagplahiyo, nauunawaan ko na maaari akong mapatawan ng parusa alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, Batas Republika Blg. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, at iba pang kaugnay o umiiral na batas ng Pilipinas.
  • Nauunawaan ko rin na maaaring suspendihin o kanselahin ng KWF ang aking akawnt kapag napatunayang nameke at nagnakaw ako ng pagkakakilanlan; gayundin, kapag ginamit ko sa layuning komersiyal ang bahagi o kabuoan ng impormasyon.