Listahan ng mga Katutubong Wika ng Pilipinas
Ilan ang katutubong wika ng Pilipinas?
Noong 2024, batay sa pananaliksik ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), itinatáyang 135 ang katutubong wika ng Pilipinas. Kasama sa bílang na ito ang Chabacano at Filipino Sign Language (FSL). Sa bílang na ito, 52 ang nása kategoryang ligtas, 42 ang di-ligtas, 16 ang tiyak na nanganganib, 14 ang matinding nanganganib, at 10 ang malubhang nanganganib. Isang creole ang Chabacano na nabuo sa ilang lungsod/pook sa iba-ibang bahagi ng Pilipinas. Madalas ito ay nakikíta sa mga lugar na malápit sa baybayin, at kinakikitaan ito ng mga katangian ng ilang katutubong wikang Austronesian at Español. Naitalâ rin ang FSL o Pambansang Wikang Senyas bílang pagkilala sa opisyal na wika ng komunidad ng mga Bingi sa Pilipinas.
Hinggil sa mga Katutubong Wika ng Pilipinas
Taóng 2016 nang ilathala ng KWF ang Atlas ng mga Wika ng Filipinas. Nabuo ito sa pamamagitan ng pagsangguni at paghahambing sa pitóng pag-aaral hinggil sa mga wika ng Pilipinas. Mula sa mga pag-aaral na ito, nakapagtalâ ng 115 wikang hindi na nangangailangan ng dagdag na balidasyon dahil nabanggit na ito sa lima o higit pang sanggunian, samantála, ang mga wikang isa hanggang apat na beses lámang nabanggit ay sumailalim sa balidasyon. Upang mabalida ang mga ito, nagtúngo sa mga komunidad ng mga wikang natukoy ang mga mananaliksik ng KWF. Naisagawa ang balidasyon mulang 2014–2015. Mula sa pananaliksik na ito, naitalâ na mayroong 130 katutubong wika ang Pilipinas. Naglathala rin ng online version nitó at ibinukas sa publiko ang pagbibigay ng mga puna at mungkahi para higit na mapaunlad ang nilalaman ng Atlas. Ang mga puna at mungkahi na nakuha mula sa publiko at internal na ebalwasyon sa Atlas ang naging patnubay ng KWF para sa pagbuo ng ikalawang edisyon.
Noong 2020, sinimulan ng mga mananaliksik ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL) ang pananaliksik sa mga wikang nabigyan ng puna at mungkahi at ilang wikang kakaunti ang mga pag-aaral. Kayâ noong 2021, nagsimula ang KWF na makipag-ugnayan sa Pambansang Komisyon sa mga Katutubong Mamamayan (NCIP) sa pagkuha ng pahintulot sa mga Katutubong Pamayanang Kultural (Indigenous Cultural Communities o ICCs) para mabalideyt ang kanilang katutubong wika. Taóng 2022 hanggang sa ikalawang kuwarter ng 2024, naisagawa ang pangangalap ng datos at balidasyon ng komunidad sa ilang wika na dapat isapanahon ang impormasyon. Mula sa naitaláng 130 wika noong 2016, batay sa isinagawang balidasyon ito ay naging 135.
Ang pagbabagong ito sa bílang ng mga wika ay hindi nangangahulugang nagkaroon ng karagdagang wika sa bansa, kundi, may mga wikang ngayon lang nasasaliksik ng KWF kayâ ngayon lámang naisasáma sa opisyal na listahan katulad ng: Boînën sa Buhi, Camarines Sur; Sorsogánon sa Sorsogon; Hátang Kayé sa ilang bayan sa Rizal at Quezon; Pahánan Ágta sa Palanan, Isabela; Yattuká at Keléy-i sa Asipulo, Ifugao; at Binukidnón/Binukignón sa Negros Occidental. Mayroon namang wika na naitataláng diyalekto, pero sa balidasyon, lumabas na ang mga ito ay magkakaibang wika, katulad ng Ayángan at Tuwáli sa Ifugao. Samantála, may mga wika rin namang naitataláng hiwalay na wika, pero nang mabalideyt ng KWF, ito ay katulad lang din ng wikang ginagamit sa mga katabi nitóng komunidad, katulad ng Ágta Isarog, Ágta Iraya, at Ágta Iriga, sa ngayon, ito ay tinatawag ng komunidad na Inagtâ Bikol. Naidagdag din sa listahan ang Filipino Sign Language o Pambansang Wikang Senyas bílang pagkilala sa opisyal na wika ng komunidad ng mga Bingi sa Pilipinas.
Hindi maituturing na kahinaan sa pananaliksik ang pagkakaroon ng iba-iba at pabago-bagong bílang ng mga wika. Nangyayari ang mga pagbabago sa bílang ng wika dahil na rin sa intensibong pananaliksik at pagbabalida sa mismong komunidad na gumagamit ng wika.
Blg. | Pangalan ng Wika | Alternatibong Pangalan/ Alternatibong Baybay | Populasyon | Sigla ng Wika | Lokasyon | |
---|---|---|---|---|---|---|
Pangkat Etniko | Sambahayang Gumagamit ng Wika | |||||
1 | Abëllën | Abénlen, Aburlin, Ayta Abëllen, Aberling |
14,374 (PSA 2020) |
1,086 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Sityo Agus at Tala, Brgy. Burgos; Sityo Baag at San Pedro, Brgy. Iba; Sityo Dirita at Sityo Tangan-Tangan, Brgy. Maamot;
Sityo Pisapungan at Cutog-cutog, Brgy. Sula; at Sityo Socorro, Brgy. Moriones sa San Jose, Tarlac Sityo Dueg at Sityo Begkes, Brgy. Maasin sa San Clemente, Tarlac Brgy. Labney Proper; Sityo Cayaweda, Sityo Lawak-Langka, at Sityo Padla, sa Brgy. Labney sa Mayantoc, Tarlac Sityo Dayangdang at Sityo Pokis, Brgy. Papaac sa Camiling, Tarlac Sityo Paquillao, Brgy. Care sa Lungsod Tarlac, Tarlac |
2 | Agtâ Dumágat Casigúran | Agtâ Kasigúran | 1,748 (NCIP Rehiyon III, 2023) |
440 (NCIP Rehiyon III, 2023) |
3 Tiyak na nanganganib |
Sityo Bial, Brgy. Dibaraybay; Sityo Inipit, Brgy. Simbahan; Sityo Delebsong, Brgy. Nipoo sa Dinalungan, Aurora Sityo Dalugan at Sityo Disigisaw, Brgy. San Ildefonso; Sityo Dipontian at Sityo Dimagipo, Brgy. Cozo; Sityo Maninit, Brgy. Tinib; Sityo Casapsapan, Brgy. Culat; Sityo Gumaninang, Brgy. Dibacong; Brgy. Calabgan sa Casiguran, Aurora Sityo Casaysayan, Brgy. Diagyan; Sityo Jaba, Sityo Depogden, Sityo Dimaseset, at Sityo Dimaguyon, Brgy. Lawang sa Dilasag, Aurora |
3 | Agtâ Dumágat Umíray | Dumágat Umíray, Umírey |
1,276 (PSA 2020) |
145 (PSA 2020) |
2 Matinding nanganganib (Salik 3) |
Sityo Pulang Lupa, Sityo Matatambo, Sityo Dadjangaw, Sityo Libutan, Sityo Madaraque, Sityo Angel/Sadlak, Sityo Tombil, Sityo Mactang, at Sityo Guindan, Brgy. Umiray sa General Nakar, Quezon Sityo Dinigman at Sityo Masanga, Brgy. Canaway; Sityo Babanan, Brgy. Maligaya; Sityo Masla at Sityo Malatunglan, Brgy. Sablang; Sityo Tamala, Brgy. San Marcelino; at Sityo Anibungan, Brgy. Magsikap sa General Nakar, Quezon Sityo Yokyok, Sityo Baycuran, Sityo Makid-Ata, Sityo Tatawiran, Sityo Uma, Sityo Lagmak, at Sityo Makalya, Brgy. Pagsangahan sa General Nakar, Quezon Sityo Lagyo, Brgy. Lubayat; Sityo Kalawines, Brgy. Tanauan sa Real, Quezon Sityo Cabanabanaan at Sityo Dakil, Brgy. Cagsiay III sa Mauban, Quezon Brgy. Taluong sa Polilio, Quezon Brgy. Rizal sa Panukulan, Quezon Sityo Tibalaw, Brgy. Cabungalunan; Sityo Kinabisagan, Brgy. Mabini; Sityo Lawis, Brgy. Carlagan; Sityo Anuwan, Brgy. Anibawan; Sityo Butunan at Sityo Bukal, Brgy. Poblacion; at Sityo Bonifacio, Brgy. Bonifacio sa Burdeos, Quezon |
4 | Agtâ Quiríno | Agtâ, Agtâ Nagtipúnan |
345 (NCIP Rehiyon II, 2024) |
174 (NCIP Rehiyon II, 2024) |
5 Ligtas (Salik 1) |
Maddela at Nagtipunan sa Quirino |
5 | Agutaynë́n | Agutaynón | 19,965 (PSA 2020) |
2,385 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Brgy. Dagman, Brgy. San Jose de Oro, at Brgy. Osmeña sa Araceli, Palawan Brgy. Jose Rizal sa Aborlan, Palawan Brgy. Narra, Brgy. Sandoval, at Brgy. San Nicolas sa Roxas, Palawan Brgy. Kemdeng, Brgy. San Isidro, at Brgy. New Agutaya sa San Vicente, Palawan Agutaya, Brooke's Point, Linapacan, at Taytay sa Palawan |
6 | Aklánon | Aklán, Akeánon, Bukídnon, Binúkid Akeánon |
615,475 (PSA 2020) |
133,121 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 3) |
Aklan El Nido, Palawan |
7 | Alangán Mangyán | 23,030 (PSA 2020) |
4,858 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Baco, Naujan, San Teodoro, at Victoria sa Oriental Mindoro Brgy. Batong Buhay, Brgy. San Agustin, at Brgy. Pag-asa sa Sablayan, Occidental Mindoro Brgy. Lumangbayan, Brgy. Pinagturilan, Brgy. Kurtinganan, at Brgy. Barahan sa Santa Cruz, Occidental Mindoro |
|
8 | Álta | 1,428 (PSA 2020) |
53 (PSA 2020) |
2 Matinding nanganganib (Salik 1) |
Brgy. Diteki, San Luis, Aurora Brgy. Dianed, Dipaculao, Aurora Brgy. Villa Aurora, Maria Aurora Gabaldon, Nueva Ecija |
|
9 | Árta | 32 pamilya (KWF, 2022) |
10 tao (KWF, 2022) |
Nanganganib ang kakaunting bilang ng mga miyembro ng isang komunidad ng mga ispiker Salik 2 |
Brgy. Disimungal, Nagtipunan, Quirino | |
10 | Ási | Bantoánon | 59,352 (PSA 2020) |
15,913 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 1) |
Banton, Corcuera, Concepcion, Calatrava, at Odiongan sa lalawigan ng Romblon |
11 | Átta | Átta Pudtól | 608 (PSA 2020) |
97 (PSA 2020) |
1 Malubhang nanganganib (Salik 3) |
Pudtol, Apayao Brgy. Zumigui, Brgy. Santa Lina, Brgy. San Gregorio, at Brgy. Luyon sa Luna, Apayao Brgy. Ganzano sa Gattaran, Cagayan |
12 | Ayángan | 100,303 (PSA 2020) |
22,221 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 1) |
Brgy. Anaba, Brgy. Bangaan, Brgy. Batad, Brgy. Banao, Brgy. Cambulo, Brgy. Ducligan, Brgy. Pula, at Brgy. Kinakin sa Banaue, Ifugao Brgy. Abinuan, Brgy. Banga, Brgy. Dulao, Brgy. Buyabuyan, Brgy. Caba, Brgy. Jucbong, Brgy. Luta, Brgy. Montabiong, Brgy. Olilicon, Brgy. Ponghal, Brgy. Pullaan, at Brgy. Tupaya sa Lagawe, Ifugao Lahat ng barangay sa Mayoyao, Ifugao Brgy. Bimpal, Brgy. Hapid, Brgy. Pugol, Brgy. Salamague, at Brgy. Sanafe sa Lamut, Ifugao Brgy. Bolog, Brgy. Hucab, at Brgy. Duit sa Kiangan, Ifugao Brgy. Cawayan, Brgy. Panubtuban, at Brgy. Hallap sa Asipulo, Ifugao Aguinaldo, Ifugao |
|
12a | Ayángan Henangá | Brgy. Ayangan sa Mayoyao, Ifugao | ||||
13 | Áyta Ambalá | Ambalá Sambál | 2,444 (PSA 2020) |
246 (PSA 2020) |
2 Matinding nanganganib (Salik 1) |
Brgy. Pita, Brgy. Bayan-bayanan, Brgy. Tubo-tubo, at Brgy. Payangan sa Dinalupihan, Bataan Brgy. Tipo, Brgy. Mabiga, at Brgy. Bamban sa Hermosa, Bataan Subic, San Marcelino, at Castillejos sa Zambales |
14 | Áyta Mag-ántsi | Áyta Mag-ánchi | 5,601 (PSA 2020) |
1,263 (PSA 2020) |
2 Matinding nanganganib (Salik 1) |
Sityo Kalangitan, Brgy. Cutcut II; Sityo Flora at Sityo Binyagan, Brgy. O’Donnell; Sityo Tarukan, Brgy. Maruglu; at Sityo Pilien, Brgy. Santa Juliana sa Capas, Tarlac Palayan at Lupao sa Nueva Ecija |
15 | Áyta Magbukún | Magbukún, Magbekin, Magbukón |
3,547 (PSA 2020) |
764 (PSA 2020) |
3 Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Brgy. Bangkal, Abucay, Bataan Brgy. Dangcol, Balanga, Bataan Brgy. Banawang at Brgy. Saysain, Bagac, Bataan Brgy. Duale, Limay, Bataan Brgy. Balon-Anito at Brgy. Biaan, Mariveles, Bataan Brgy. Binaritan, Morong, Bataan Brgy. Pag-asa, Orani, Bataan Brgy. Bilolo, Orion, Bataan Brgy. Palili, Samal, Bataan |
16 | Áyta Mag-indí | Mag-indí Sambál, Indi Ayta | 5,353 (PSA 2020) |
1,299 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 1) |
Floridablanca at Porac, Pampanga San Marcelino, Zambales |
17 | Balangáw | Balangáo, Farangáo | 17,736 (PSA 2020) |
3,062 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Natonin, Barlig, at Paracelis sa Mountain Province |
18 | Bángon Mangyán | 3,838 (PSA 2020) |
650 (PSA 2020) |
3 Tiyak na nanganganib (Salik 3) |
Bongabong, Bansud, at Gloria sa Oriental Mindoro | |
19 | Bíkol | Bíkol Nága, Bíkol Legázpi | 7,079,814 (PSA 2020) |
1,033,457 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 3) |
Bacacay, Rapu-Rapu, Tiwi, Legaspi, Malinao, Lungsod Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, at Manito sa Albay Lungsod Naga, San Fernando, Milaor, Gainza, Caramoan, Magarao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Pili, Ocampo, Tigaon, Garchitorena, Goa, Lagonoy, Sagñay, San Jose, Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Canaman, Cabusao, Pamplona, Pasacao, Minalabac, at Presentacion sa Camarines Sur Daet, San Vicente, Talisay, Mercedes, Basud, at San Lorenzo Ruiz (Imelda) sa Camarines Norte Virac, Bato, San Miguel, Gigmoto, San Andres, Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, at Viga sa Catanduanes Bacon, Prieto Diaz, Magallanes, Lungsod Sorsogon, Castilla, Casiguran, at Juban sa Sorsogon |
19a | Bíkol Catanduánes | Virac, Bato, San Miguel, Gigmoto, San Andres, Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, at Viga sa Catanduanes | ||||
19b | Bíkol Mirayá | Libon, Polangui, Oas, Lungsod Ligao, Pio Duran, Jovellar, Guinobatan, Camalig, at Daraga sa Albay | ||||
19c | Bíkol Sorsogón | Prieto Diaz, Magallanes, Lungsod Sorsogon, Castilla, Casiguran, at Juban sa Sorsogon | ||||
20 | Binaták | Babúyan, Palawán Batál, Tinitiánes, Baták | 1,531 (PSA 2020) |
1,905 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Sityo Tagnipa, Brgy. Tinitian; Sityo Manabo, Brgy Caramay; Sityo Timbuan, Brgy. Abaroan, at Brgy. Magara (wala nang nagsasalita ng Binatak sa barangay na ito), sa Roxas, Palawan Sityo Kayasan, Brgy. Tagabinel; Brgy. Mauyon; Sityo Tagnaya, Brgy. Tannabag; Brgy. Concepcion, at Brgy. Langagan, sa Puerto Princesa, Palawan |
21 | Binúkid | 56,485 (PSA 2020) |
10,745 (PSA 2020) |
3 Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Brgy. Capitan Angel, Brgy. Dalwangan, Brgy. Patpat, Brgy. Kalasungay, Brgy. Sumpong, Brgy. Canayan, Brgy. Manalog, Brgy. Kabalabag, Brgy. Casisang, Brgy. San Jose, Brgy. Laguitas, Brgy. Imbayao, Brgy. Mapayag, Brgy. Aglayan, Brgy. Cabangahan, Brgy. Miglamin, at Brgy. 1-11 sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon Brgy. Bangcud, Brgy. Santo Niño, Brgy. Apo Macote, Brgy. Sinanglanan, Brgy. San Martin, Brgy. Simaya, Brgy. Violeta, Brgy. Linabo. Brgy. Managok, at Brgy. Maligaya sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon (¼ lang ng populasyon ang Bukidnon sa mga barangay na ito) Manolo Fortich at Valencia sa Bukidnon |
|
22 | Binukidnón/Binukignón | 18,699 (PSA 2020) |
42 (PSA 2020) |
3 Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Brgy. Pandanon, Brgy. Bunga, Brgy. Kumaliskis, at Brgy. Bagong Silang (Marcelo) sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental Brgy. Codcod at Brgy. Prosperidad sa Lungsod San Carlos, Negros Occidental Brgy. Pinggot, Brgy. Canlamay, Brgy. Balicotoc, Brgy. Tabu, at Brgy. Dancalan sa Ilog, Negros Occidental Brgy. Carabalan, Brgy. Buenavista, Brgy. San Antonio, Brgy. Caradio-an, at Brgy. Mahalang sa Himamaylan, Negros Occidental Brgy. Riverside, Brgy. Makilignit, Brgy. Banogbanog, Brgy. Sikatuna, Brgy. Cabcab, Brgy. Amin, Brgy. San Agustin, at Brgy. Camangcamang sa Isabela, Negros Occidental Brgy. Sura, Brgy. Guiljungan, Brgy. Mambugsay, Brgy. Talacdan, Cauayan, Negros Occidental Brgy. Amontay, Brgy. Santol, Brgy. Bi-ao, at Brgy. Payao sa Binalbagan, Negros Occidental Brgy. Orong sa Kabankalan, Negros Occidental Brgy. Gatuslao, Brgy. Agboy, Brgy. Payauan, Brgy. Poblacion East, at Brgy. Poblacion West sa Candoni, Negros Occidental Ilang barangay sa Hinoba-an at Sipalay sa Negros Occidental |
|
23 | Bláan | 373,392 (PSA 2020) |
66,473 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 3) |
Brgy. Aflek, Brgy. Basag, Brgy. Datal Bob, Brgy. Dlanag, Brgy. Kematu, Brgy. Lambuling, Brgy. Lamhako, Brgy. Lamsalome, Brgy. Lambangan, Brgy. Malugong, Brgy. Maan, Brgy. Mongocayo, Brgy. Afus, Brgy. Talcon, Brgy. Talufo, Brgy. Tudok, Brgy. T'bolok, Brgy. Salacafe, Brgy. Poblacion, Brgy. Desawo, Brgy. New Dumangas, Brgy. Laconon, Brgy. Edwards, at Brgy. Sinolon sa T'boli, South Cotabato Brgy. Veteran sa Surallah, South Cotabato Brgy. Simbo, Brgy. Linan, Brgy. Acmonan, at Brgy. Kablon sa Tupi, South Cotabato Brgy. Danlag, Brgy. Pula-bato, at Brgy. Tablu sa Tampakan, South Cotabato Sityo Gawel, Bgry. Saravia; Sityo Salkan, Brgy. Paraiso; Sityo Acub, Brgy. San Isidro; Brgy. Assumption, Brgy. San Jose, at Brgy. Mabini sa Lungsod Koronadal, South Cotabato Brgy. Lambingi, Brgy. Lampari, Brgy. Lam-Apos, Brgy. Rang-ay, Brgy. El Nonok, Brgy. San Vicente, at Brgy. Malaya sa Banga, South Cotabato Brgy. Upper Biangan, Brgy. Nagpan, Brgy. Malalag Cogon, Brgy. Poblacion, Brgy. Banahaw, Brgy. Tamban, Brgy. Malandag, Brgy. Datal Tampal, Brgy. Atlae, Brgy. Kiblat, Brgy. Malabod, Brgy. Alkikan, Brgy. Blaan, Brgy. Datal Bila, Brgy. Datal Batong, Brgy. Ampon, Brgy. Lutay, Brgy. Lower Mainit, Brgy. San Roque, Brgy. Panamin, Brgy. Kinabalan, Brgy. Talus, Brgy. J.P. Laurel, Brgy. Malungon Gamay, Brgy. Kawayan, Brgy. Upper Lumabat, at Brgy. Kibala sa Malungon, Sarangani Brgy. Domolok, Brgy. Datal Anggas, Brgy. Alegria, Brgy. Paraiso, Brgy. Tokawal, Brgy. Baluntay, Brgy. Bagacay, Brgy. Maribulan, at Brgy. Poblacion sa Alabel, Sarangani Glan, Sarangani Brgy. Palavilla sa Lutayan, Sultan Kudarat Sityo Sinakuhan, Brgy. Telafas; Sityo Marang, Brgy. Sucob; Sityo Malapatan, Brgy. Datablao; Brgy. Sinapulan, Brgy. Bantangan (Lasak), Brgy. Natividad, Brgy. Eday, Brgy. Maligaya, Brgy. Mayo, at Brgy. Polomolok sa Columbio, Sultan Kudarat Brgy. Dongan-Pekong, Brgy. Saub, Brgy. Colonsabak, Brgy. Asbang, at Brgy. Saboy sa Matanao, Davao del Sur Brgy. Kimlawis, Brgy. Balasiao, Brgy. Abnate, Brgy. Tacul, at Brgy. San Jose sa Kiblawan, Davao del Sur |
|
24 | Boînën | Buhînon | 39,455 (LGU Buhi 2024) |
9,614 (LGU Buhi 2024) |
5 Ligtas (Salik 1) |
Buhi, Camarines Sur |
25 | Bolináw | Bolináo Sambál, Binóbolináo |
76,860 (PSA 2020) |
9,421 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Brgy. Binabalian, Brgy. Concordia, Brgy. Dewey, Brgy. Goyoden, Brgy. Lucero, Brgy. Luciente 1st, Brgy. Luciente 2nd, Brgy. Liwa-Liwa, Brgy. Pilar, Brgy. Salud, at Brgy. Victory sa Bolinao, Pangasinan Anda, Pangasinan |
26 | Bugkalót/Égongót | Ilongot | 18,712 (PSA 2020) |
1,876 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Sityo Sinepgit at Sityo Tayug, Brgy. Pelaway; Sityo Dilaktan, Brgy. Galintuja; Brgy. Lipuga, Brgy. Cauayan, at Brgy. Lublub sa Alfonso Castaneda, Nueva Vizcaya Brgy. Abaca, Brgy. Talbek, Brgy. Kimbutan, Brgy. Ganao, Brgy. Biruk, at Brgy. Kinabuan sa Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya Sityo Digyan, Sityo Matanawta, Brgy. Pao; Sityo Lintungan, Brgy. Capisaan; Brgy. Kakiduguen, Brgy. Pacquet, Brgy. Muta, Brgy. Alloy, at Brgy. Seguem sa Kasibu, Nueva Vizcaya Brgy. Binuangan, Brgy. Yabbi, Brgy. New Gumiad, Brgy. Belance, at Brgy. Oyao sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya Brgy. Bayanihan at Brgy. Galintuja sa Maria Aurora, Aurora Brgy. Ditale, Brgy. Dibutunan, at Brgy. Dimabuno sa Dipaculao, Aurora Sityo Comgang, Brgy. Matmad; Sityo Tabayong at Sityo Maopat, Brgy. San Pugo; Sityo Tamsi, Brgy. San Dionisio II; Brgy. Landingan, Brgy. Wasid, Brgy. Ponggo, Brgy. La Conwap, Brgy. Keat, at Brgy. Mataddi sa Nagtipunan, Quirino Brgy. Guribang, Diffun, Quirino Brgy. Dibibi, Cabarroguis, Quirino Brgy. Dipintin, Maddela, Quirino Brgy. Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija Carranglan, Nueva Ecija |
27 | Bukidnón Magahát | Magahat | 2,498 (IPMR-Bukidnon Magahat, Basay, 2021 census) 869 (PSA 2020, Hinoba-an) |
501 (IPMR-Bukidnon Magahat, Basay, 2021 census) 30 (PSA 2020, Hinoba-an) |
1 Malubhang nanganganib (Salik 3) |
Brgy. Bongalonan, Brgy. Cabatuanan, Brgy. Maglinao, Brgy. Linantayan, Brgy. Bal-os, Brgy. Cabalayongan, Brgy. Nagbo-alao, Brgy. Actin, Brgy. Olandao, at Brgy. Poblacion sa Basay, Negros Oriental Brgy. Sangke, Brgy. Damutan, Brgy. Culipapa, Brgy. Asia, at Brgy. San Rafael sa Hinoba-an, Negros Occidental |
28 | Búhid Mangyán | Búkid, Bukíl |
18,805 (PSA 2020) |
4,154 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Bansud, Bongabong, Mansalay, at Roxas sa Oriental Mindoro Brgy. Monte Claro, Brgy. Batasan, at Brgy. Bayotbot sa San Jose, Occidental Mindoro Brgy. Manoot at Brgy. Aguas sa Rizal, Occidental Mindoro |
29 | Butuánon | Butwánon | 372,910 (PSA 2020) |
1,044 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Lungsod Butuan, Agusan del Norte |
30 | Chabacáno | Chavacáno | 408,762 (PSA 2020) |
106,375 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 3) |
Lungsod Isabela at Lungsod Lamitan, Basilan Lungsod Zamboanga Lungsod Cotabato Lungsod Davao Lungsod Cavite, Cavite Brgy. Poblacion I, Brgy. Poblacion II, Brgy. Poblacion III, at Brgy. San Jose sa Ternate, Cavite |
30a | Cavitéño Chabacáno | 20,905 | 921 | Lungsod Cavite, Cavite | ||
30b | Ternatéño Chabacáno/Báhra |
Brgy. Poblacion I, Brgy. Poblacion II, Brgy. Poblacion III, at Brgy. San Jose sa Ternate, Cavite | ||||
30c | Cotabatéño Chabacáno |
11,912 | 442 | Lungsod Cotabato | ||
30d | Davawéño Chabacano | 10,268 | 542 | Lungsod Davao, Davao del Sur | ||
30e | Zamboangéño Chabacano |
365,677 | 104,470 | Lungsod Zamboanga, Zamboanga del Sur | ||
31 | Filipíno | Wíkang Pambansâ | 109,035,343 (PSA 2020) |
16,391,937 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 3) |
Ginagamit sa buong Pilipinas |
32 | Filipíno Sign Language | FSL, Wíkang Sényas |
Buong bansa | |||
33 | Finallíg | Eastern Bontóc | 4,787 (PSA 2020) |
409 (PSA 2020) |
5 Ligtas (Salik 3) |
Brgy. Lingoy, Brgy. Latang, Brgy. Macalana, Brgy. Fiangtin, at Brgy. Lias sa Barlig, Mountain Province |
33a | Kadaklán | Barlig, Mountain Province | ||||
33b | Liniyás | Brgy. Lias, sa Barlig, Mountain Province | ||||
34 | Finontók | Bontók | 79,029 (PSA 2020) |
6,880 (PSA 2020) |
4 Di-ligtas (Salik 3) |
Brgy. Bontoc Ili, Brgy. Calutit, Brgy. Caneo, Brgy. Guinaang, Brgy. Poblacion, Brgy. Samoki, Brgy. Talubin, at Brgy. Tocucan sa Bontoc, Mountain Province |
35 | Gáddang | Gaddánes, Gádang, Gádan, Ga’dang |
44,013 (PSA 2020) |
5,276 (PSA 2020) |
3 Tiyak na nanganganib (Salik 1) |
Brgy. Bantay, Paracelis, Mountain Province Brgy. Aromin, Brgy. Cabugao, Brgy. Caniguing, Brgy. Diasan, Brgy. Dugayong, Brgy. Fugu, Brgy. Narra, Brgy. Garit Norte, Brgy. Gumbaoan, Brgy. Madadamian, Brgy. Magleticia, at Brgy. Nilumisu sa Echague, Isabela Ramon, Lungsod Santiago, Angadanan, Reina Mercedes, Burgos, at Lungsod Cauayan sa Isabela Ilang lugar sa Aurora |