Jama Mapún
Jama Mapún
Ang Jáma Mapún ay ang wikang sinasalita sa isla ng Mapun (dáting Cagayan de Sulu o Cagayan de Tawi-tawi) ng mga katutubong Jáma Mapún. Sinasalita rin ito sa mga bayan ng Balabac, Bataraza, at Brooke’s Point sa lalawigan ng Palawan.
Karamihan sa mga Jáma Mapún ay mulitilingguwal. Bukod sa wika ng mga karatig-grupo na Bahása Sug, Inglés, at Sáma, nakaiintindi at nakapagsasalita rin silá ng wikang Inglés. Sa kasalukuyan, tinatáyang 4,000 Jáma Mapún na lámang ang monolingguwal.
Pangalan ng Wika | Jama Mapún |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Sama Mapun |
Pangkat na gumagamit ng wika | Jama Mapun |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Samalan, Sulu-Borneo, Borneo Coast Bajaw |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 38,592 (NSO 2010 ARMM, R-IV-B) |
Lokasyon | Isla ng Mapun (dating Cagayan de Sulu o Cagayan de Tawi-tawi) sa lalawigan ng Tawi-Tawi, gayundin sa Balabac, Bataraza, at Brooke’s Point sa lalawigan ng Palawan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang talâ | Sinasalita rin sa lugar ang Bahasa Sug. |
Responses