Subánën

Ang Subánën ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Subánën sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Katipunan, Sindangan, Siocon, Sirawai, Dipolog, Manukan, Titay, Ipil, Labason, Sibuco, Salug, Kalawit, Tampilisan, Gutalac, Tungawan, Siayan, Manuel Roxas, at Osmeña; gayundin sa ilang bahagi ng Zamboanga, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Misamis Occidental.   

Subánën ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Subánën. Sa kanilang paglaki ay natututuhan din nilá ang Hiligaynón at Binisayâng Mindanáw na mga rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Pagtuntong sa paaralan, nagsisimula naman siláng matuto ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo.

1. Pangalan ng Wika Subánën
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names) Subanon, Sinubanon, Sinubanën
3. Pangkat na gumagamit ng wika Subanën, Subanon
4. Sigla ng Wika Di-Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon Greater Central Philippine, Subanon
6. Mga kilalang wikain (dialects) Ginselugnén, Lapuyan, Sindangan, Sioco, Tuboy-Salog
7. Populasyon 3,459 (2006 LPLICC) Zamboanga City; 4,048 (2015) Siayan, Zamboanga del Norte; 3,535 (MPDO 2015) Aloran, Misamis Occidental (24% ng kabuoang populasyon ng Aloran, Misamis Occidental); 15,230 Kabasalan, Zamboanga Sibugay; 44,808 Lapuyan, Zamboanga del Sur; 71,080 kabuoan (LEF 2018)
8. Lokasyon Labuan, Masalag, Patalon, at Limpapa, Zamboanga City (LPLICC), Bongalao, Lintangan, Sibuco, Zamboanga del Norte; Kabasalan. Zamboanga Sibugay; Lapuyan, Zamboanga del Sur; Misamis Occidental
9. Sistema ng Pagsulat
10. Iba pang talâ

Mga Pag-aaral ng KWF

KWF Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas 2021

Para sa mga komento at suhestiyon, maaaring mag-email sa kwf.repositoryo@gmail.com

KINAKAILANGANG MAGPA-REGISTER

Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt. 

May restriksiyon