Pahánan Ágta

Pahánan Ágta

          Pahánan Ágta ang tawag sa wika at grupo ng mga katutubong Ágta Pahánan na matatagpuan sa lalawigan ng Isabela sa bayan ng Palanan, partikular sa barangay Diago, Dipaggiden, Dimatog, Dialnawan, Disukad, Culasi, Dialomanay, Disokod, at Dibungko sa bayan ng Palanan, Isabela. Nása Dibungko ang sentro ng komunidad; sa bayan ng Divilacan partikular sa barangay Bicobian, Dibulos, Dicambangan, Dicaruyan, Dicatian, Dilakit, Dimpamnat, Dimapula, Dimasalansan, Dipudo, Ditarum, at Sapinit. May mangilan-ngilan ding naninirahan sa bayan ng Maconacon at Reina Mercedes, Isabela.

          Bukod sa kanilang sariling wika ay nakaiintindi at nakapagsasalita ang mga Pahánan Ágta ng wikang Filipíno at Inglés dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang nagtutungo sa lugar gayundin ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya gaya ng cellphone, panood ng telebisyon, at iba pa.

Pangalan ng Wika Pahánan Ágta
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ágta Pahánan
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeastern Luzon
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 1,500  (KWF LEF 2018)
Lokasyon Palanan, Isabela
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses