Paláw-an

Paláw-an

          Paláw-an ang tawag sa wika ng mga katutubong Paláw-an na naninirahan sa iba’t ibang barangay sa mga bayan ng Aborlan, Bataraza, Brooke’s Point, Quezon, Rizal, at Sofronio Española sa lalawigan ng Palawan.

          Ilan sa kilalang varayti ng Paláw-an ay ang Paláw-an Brooke’s Point na sinasalita sa Barangay Maasin at Barangay Ipilan, partikular sa Sitio Linao, sa bayan ng Brooke’s Point at bayan ng Quezon; ang Paláw-an Sentrál sa mga barangay ng Berong, Panitian, Tabon, at Tagusao sa bayan ng Quezon at sa mga bayan ng Aborlan, Rizal, at Sofronio Española; ang Paláw-an Timog Kanluran na sinasalita sa mga barangay ng Bono-bono, Bulalacao, Kulandanum, Malihod, Marangas, at Sandoval sa bayan ng Bataraza.

          Wikang Paláw-an ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Paláw-an. Sa labas ng komunidad ay natututuhan nila ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Paláw-an
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Palaw-an Brooke’s Point, Palaw-an Sentral, Palaw-an Timog Kanluran
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Paláw-an
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Palawanic
Mga Kilalang Wikain (dialects) Paláw-an Brooke’s Point, Paláw-an Sentrál, Paláw-an Timog Kanluran
Populasyon 87,493 (NSO 2010 R-IVB)
Lokasyon Bayan ng Bataraza, Brooke’s Point, Quezon, Rizal, Aborlan, at Sofronio Española, lalawigan ng Palawan
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses