Paránan
Paránan
Paránan ang tawag sa wika ng grupong Paránan na naninirahan sa Palanan, Isabela. Sinasalita rin ang wikang ito sa sa bayan ng Divicalan sa silangang baybáyin ng lalawigan.
Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din ang mga Paránan ng Ilokáno na natutuhan nilá mula sa pakikisalamuha sa mga grupong ito sa kanilang lalawigan. Natututuhan na rin nilá ang Filipíno at Inglés mula sa paaralan at sa eksposyur sa midya.
Pangalan ng Wika | Paránan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Palanan, Palanenyo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Paránan |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeastern Luzon |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 16,348 (NSO 2010 R-II) |
Lokasyon | Bayan ng Palanan at Divilacan, Isabela |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses