Porohánon
Porohánon
Ang Porohánon ay ang tawag sa wika ng grupong Porohánon na naninirahan sa Isla ng Camotes sa lalawigan ng Cebu. Tinatawag din ng mga tagalabas ang wikang ito sa pangalang Kamótes o Camotes Visayan.
Kalahati ng populasyon ng Isla ng Camotes ay nagsasalita ng wikang Porohánon. Bukod dito, sinasalita rin sa isla ang Filipíno at Inglés na natututuhan ng mga Porohánon mula sa paaralan at sa eksposyur sa midya..
Pangalan ng Wika | Porohánon |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Camotes Visayan |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Porohánon |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippines, Central Philippine, Bisayan, Central, Peripheral |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon |
Walang tiyak na bílang ng nagsasalita (33,357 populasyon ng isla ng Poro, Cebu NSO 2010) |
Lokasyon | Poro, Cebu |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses