Ratagnón Mangyán
Ratagnón Mangyán
Ratagnón Mangyán ang tawag sa wika ng mga Ratagnón Mangyán na naninirahan sa lalawigan ng Occidental Mindoro, partikular sa Barangay Tanyag sa bayan ng Calintaan at Barangay San Nicolas sa bayan ng Magsaysay. Kilalá rin ang mga Ratagnon Mangyan sa tawag na Latagnon at Datagnon.
Bukod sa wika ng mga karatig-grupo ay natutuhan din ng mga katutubong Ratagnón Mangyán ang Filipino at Ingles na ginagamit na wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Ratagnón Mangyán |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Datagnon, Latagnon, Aradigi |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Ratagnón Mangyán |
Sigla ng Wika | Tiyak na Nanganganib |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,006 (NSO 2010 R-IVB) |
Lokasyon | Brgy. Tanyag sa bayan ng Calintaan at Brgy. San Nicolas sa bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses