Sebwáno

Sebwáno

          Isa ang Sebwáno sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Sinasalita ito ng mga grupong Sebwáno at ng iba pang pangkating etniko sa isla ng Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, Agusan, Bukidnon, Davao, Lanao del Norte, Surigao, Misamis Oriental, Leyte, Zamboanga del Sur, mga bahagi ng Masbate, at sa ilang bayan ng Cotabato. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Sinugbuanong Binisaya, Sugbuhánon, Sugbuánon, Visayà, Bisayà, at Binisayâ.

Pangalan ng Wika Sebwáno
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Bisaya/Binisaya, Sugbuanon, Cebuano/Sebuano, Sinugbuanong Binisaya
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Sebwano
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan
Mga Kilalang Wikain (dialects) Katimugang Leyte Binisayâ, Binul-anong Binisayâ, Negrensing Binisayâ, Binisayáng Siquijor, Binisayáng Mindanaw, at Masbatenyong Binisayâ
Populasyon 11,404,132 (NSO 2010 buong Pilipinas) 
Lokasyon Cebu, Negros Oriental, Bohol, Siquijor, ilang bahagi ng Masbate, kanlurang bahagi ng Leyte, Agusan, Bukidnon, Davao, Lanao del Norte, Surigao del Norte, Misamis Oriental,  Zamboanga del Sur, at sa iba pang bayan ng Cotabato 
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses