Sinadánga

Sinadánga

          Sinadánga ang wikang sinasalita ng mga katutubong Isadánga na naninirahan sa Sadanga, Mountain Province.

          Sinadánga ang pangkalahatang wika sa bayan ng Sadanga na binubuo ng sumusunod na barangay: Anabel, Belwang, Betwagan, Bekigan, Poblacion, Sacasacan, Saclit, at Demang. Nagkakaiba-iba ang paraan ng pagsasalita nitó sa mga barangay kayâ may mga umusbong nang varayti ng wikang ito. Bukod dito, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ng Filipíno at Inglés ang mga Isadánga dahil sa edukasyon at impluwensiya ng Simbahang Katolika sa kanilang lugar. Marunong din ng Ilokáno ang mga Isadánga dahil ito ang lingua franca sa lalawigan.

Pangalan ng Wika Sinadánga
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Isadanga
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Nothern Luzon, Meso Cordilleran, Nuclear Cordilleran, Bontoc-Kanakanay
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 9,181 populasyon ng Sadanga (NSO 2010)
Lokasyon Sadanga, Mountain Province
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses