Surigawnón
Surigawnón
Ang Surigawnón ay ang wikang sinasalita ng mga grupong Surigawnón sa mga lalawigan ng Surigao del Norte at Surigao del Sur; Isla ng Dinagat; at sa mga bayan ng Kitcharo at Jabonga sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Surigawnón at Sebwano ang lingua franca sa nabanggit na mga lugar kayâ naman bukod sa kanilang katutubong wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ng wikang Sebwano ang mga Surigawnón. Marunong din silá ng mga wikang Filipíno at Inglés, lalo na ang mga nakatuntong sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Surigawnón |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Surigaonon, Sinurigao, Waya-waya |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Surigawnon (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Sigla ng Wika | Ligtas |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, South |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 273,696 (NS) 2010 R-XIII) |
Lokasyon | Lungsod Surigao ( Anao-aon, at San Isidro) Cantilan, Mainit, Guigaquit, Siargao sa Surigao del Sur |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses