Tagabawá
Tagabawá
Tagabawá ang tawag sa wika ng mga katutubong Bagóbo Tagabawá na naninirahan sa mga ligid ng Bundok Apo at sa mga gilid ng Ilog Lipadas, Ilog Matanao, Ilog Bulatukan, at Ilog Saguing sa Davao. Matatagpuan silá partikular sa mga barangay ng Toril, Marilog, Baguio, Calinan, at Tugbok sa Lungsod Davao; sa bayan ng Santa Cruz, Digos, Bansalan, at Sibulan sa Davao del Sur; at sa Lungsod Kidapawan, Cotabato.
Binisayâng Mindanáw ang rehiyonal na wika sa mga lugar na nabanggit kayâ bukod sa wikang Tagabawá ay marunong din nitó ang mga Bagóbo Tagabawá.
Pangalan ng Wika | Tagabawá |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Tagabawá Bagobo, Tagabawá Manobo |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tagabawá Bagobo |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, South |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 33, 433 (NSO 2010 R-XI, R-XII) |
Lokasyon | Lungsod Davao; Santa Cruz, Dugos, Bansalan, Sibulan sa Davao del Sur; Lungsod Kidapawan, Cotabato |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses