Tagabulós

Tagabulós

          Ang Tagabulós ay ang wika ng mga katutubong Agta sa lalawigan ng Aurora, partikular sa mga barangay ng Dibut, Jotorin, Dicapinisan, at Dimanayat sa bayan ng San Luis; at sa mga barangay Matawe at Omiray sa bayan ng Dingalan. May mangilan-ngilan ding nagsasalita ng wikang ito sa Infanta, Quezon.

          Bukod sa Tagabulós, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga katutubo ng Tagálog na rehiyonal na wika sa Aurora. May iba rin na marunong ng Ilokáno. Natututuhan na rin nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Tagabulós
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagabulós Agta
Sigla ng Wika Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Austronesian, Malayo-Polynesian, Hilagang Pilipínas, Kordilyéra, Dumágat, Tagabulós
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon Hindi tiyak ang bilang; 1,749 ang populasyon ng Agta sa R-III at R-IVA (NSO 2010)
Lokasyon Dingalan, at San Luis, Aurora; Infanta, Quezon
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses