Tagálog

 

Tagálog

          Isa ang Tagálog sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang unang wika ng humigit-kumulang 22,000 Pilipino na naninirahan sa lalawigan ng Rizal, Bataan, Quezon, Laguna, Batangas, Zambales, Cavite, Bulacan, Nueva Ecija, Aurora, Camarines Norte, Marinduque, Mindoro, at Metro Manila.

          Dahil sinasalita sa maraming lugar sa Pilipinas, umusbong na ang maraming diyalekto ng wikang Tagálog. Tinatawag ng mga Tagálog ang varayti ng wikang Tagálog na kanilang sinasalita ayon sa lugar na pinagmulan nito: Kabitényo para sa Tagálog mula sa Cavite, Bulakényo para sa Tagálog mula sa Bulacan, Batanggényo para sa Tagálog ng mga tubòng Batangas, atbp.

          Noong 30 Disyembre 1937, ipinroklama ang wikang Tagálog bílang batayang wika ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, na noong 1959 ay tinawag nang Pilipino sa ilalim ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagálog ang pinakaubod ng wikang Filipino, bagaman ito ay patuloy na pinauunlad at nagtataglay na ng mga katangian ng mga katutubong wika ng Pilipinas.

Pangalan ng Wika Tagálog
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagálog
Sigla ng Wika Ligtas
Klasipikasyon Austronesian, Malayo-Polynesian, mga wikang Meso-Pilipínas, mga wikang Gitnang Pilipínas, Tagálog
Mga Kilalang Wikain (dialects) Lubang, Manila, Marinduque, Bataan, Batangas, Bulacan, Puray, Tanay-Paete, Tayabas.
Populasyon 22,512,089 (NSO 2010 Pilipinas)
Lokasyon Bulacan, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon, Mindoro, Marinduque, Rizal, Palawan, Metro Manila, Zambales, Nueva Ecija, Aurora, at Camarines Norte
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses