Tagbanwá

 

Tagbanwá

          Ang Tagbanwá ay ang wika ng mga katutubong Tagbanwá na naninirahan sa Barangay Bulalacao sa Coron, at sa mga bayan ng Culion at Busuanga sa lalawigan ng Palawan.

          Bukod sa wikang Tagbanwá, nakapagsasalita rin ang mga katutubong Tagbanwá ng Bisayà, Sebwáno, Binaták, Kuyunón, at Kalamyánën—mga wika ng mga grupong nakasasalamuha nilá sa kanilang lugar. Ang pakikipamuhay na ito kasáma ng ibang pangkating etniko ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng bílang ng mga nagsasalita ng Tagbanwá, kasáma na ang intermarriage; mababang pagtingin sa sariling katutubong wika; at pag-iral ng mas maipluwensiyang wika sa lugar.

Pangalan ng Wika Tagbanwá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagbanwá
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Austronesian, Malayo-Polynesian, mga wikang Meso-Pilipinas, mga wikang Paláwan, mga wikang Timog Paláwan, Tagbanwá
Mga Kilalang Wikain (dialects) Aborlan, Apurawnon, Narra, Sentral, Kalamyan
Populasyon 28,880 (NSO 2010 R-IV-B)
Lokasyon Bayan ng Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Aborlan, Narra, Quezon, Puerto Princesa, lalawigan ng Palawan
Sistema ng Pagsulat Katutubong paraan ng Pagsulat
Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Mga Varayti ng Wikang Tagbanwá

Tagbanwá Aborlan
Ang varayting ito ay sinasalita ng mga katutubong Tagbanwá sa Sitio Daan, Barangay Aporawan, Barangay Barake, Barangay Sagpangan, Barangay Bubusawen, at Barangay Isaub sa bayan ng Aborlan, Palawan. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nito sa Sitio Labtay at Barangay Napsan sa Lungsod Puerto Princesa.

 

Tagbanwá Kalamyan
Ito ang varayti ng Tagbanwá na sinasalita sa lalawigan ng Palawan partikular sa Barangay Bulalacao, bayan ng Coron at sa ilang bahagi ng bayan ng Culion at Busuanga.

 

Tagbanwá Nárra
Sinasalita ang varayting ito sa Sitio Buong, Barangay Dumangueña, Narra, Palawan.

 

Tagbanwá Sentrál
Ang varayting ito ay sinasalita ng mga katutubong Tagbanwá sa mga barangay ng Manalo, Maruyugon, Lukbuan, at Langogan sa Lungsod Puerto Princesa; at sa bayan ng Aborlan at Quezon sa lalawigan ng Palawan.

.

Responses