Tëduráy
Tëduráy
Tëduráy ang tawag sa wika ng grupong Tëduráy na naninirahan sa bayan ng Upi sa lalawigan ng Maguindanao; bayan ng President Roxas sa lalawigan ng Cotabato; at bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat. Sa Maguindanao matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng mga katutubong Tëduráy.
Tinatawag ng mga Tëduráy ang kanilang sarili na Etew Teduday o ‘táong Tituray,’ ngunit pinagbukod-bukod silá ayon sa kanilang kinaroroonan: Etew Rotor o ‘táong bundok’, Etew Dagat o ‘táong dagat’, Etew Teran o ‘táong tran’, at Etew Awang’ o ‘táong awang’ o Etew Upi o ‘táong upi.’
Ang Tëduráy ay gáling sa salitâng “tëdu” na nangangahulugang lugar ng pinagmulan, kapanganakan, o tiráhan at “daya” na ang ibig sabihin ay mataas na bahagi ng sapa o ilog. Tradisyonal na táong bundok sa timog kanluran ng Mindanao ang mga Tëduráy. Silá ay naninirahan sa pinakamataas na bahagi ng tuyông ilog sa hilagang bahagi ng Cotabato kung saan ang bulubunduking lupain ng Cotabato ay nakaharap sa Dagat Celebes.
Pangalan ng Wika | Tëduráy |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Tiruray, Tirurai |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tëduráy |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Austronesian, Malayo-Polynesian, mga wikang Timog Mindanáw, Tëduráy |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 100,690 (NSO 2010 R-XII, ARMM) |
Lokasyon | bayan ng Upi, South Upi, and Datu Blah T. Sinsuat, lalawigan ng Maguindanao; bayan ng President Roxas sa lalawigan ng Cotabato; at bayan ng Lebak, lalawigan ng Sultan Kudarat |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses