Ténap
Ténap
Ténap ang tawag sa wika ng isang grupo ng mga Agtâ na naninirahan sa bayan ng Baggao at Bulubunduking Sierra Madre sa lalawigan ng Cagayan. Agtâ Dupáningán kung tawagin nilá ang kanilang grupo, at sa ganitong pangalan din silá kilalá ng mga tagalabas, bagaman bukod sa Ténap ay tinatawag din ang kanilang wika sa pangalang Agay.
Mataas ang pagtingin ng mga Agtâ Dupáningán sa kanilang katutubong wika dahil sa paniniwalang ito ang nagbibigay ng identidad sa kanilang pangkat bílang isa sa mga grupong Agtâ sa Cagayan. Sa katunayan, unang natututuhan ng mga batàng Agtâ Dupáningán ang kanilang katutubong wika, at nananatili siláng monolingguwal hanggang sa silá’y mag-umpisang lumaki at matuto ng Ilokáno, ang rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Pagkaraan ay matututuhan naman nilá ang mga wikang Filipíno at Inglés—na mga wikang panturo—pagtuntong nilá sa paaralan, na karaniwan ay sa pagitan ng edad 12 hanggang 15.
Pangalan ng Wika | Ténap |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Agay |
Pangkat na gumagamit ng wika | Agta Dupaningan |
Sigla ng Wika | Tiyak na Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeast Luzon, Northern |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,877 (NSO 2010 R-II) |
Lokasyon | Cagayan, Isabela |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang talâ |
Responses